Monday, February 8, 2016

Someone Special


Someone Special

                 Kapag special sa iyo yung tao, iba eh. Iba yung kaya mong gawin para sa kaniya. Hindi mapapantay ng iba mong ginagawa sa ibang tao. Kumbaga, madidifferentiate mo yung simpleng kaibigan lang sa isang special na tao. May mga bagay na hindi mo ginagawa sa iba na sa kaniya mo lang nagawa. May mga special dates sa kalendaryo mo at special na lugar para sa iyo dahil yun yung mga bagay na magpapaalala ng mga oras na nakasama mo siya. Yung pagbigay ng isang card na isinulat mo para sa kaniya na may dagdag pang design bago mo ibigay. Kapag birthday niya ay sa mismong saktong 12mn ka magtetext sa kaniya kahit na pagod ka eh hihintayin mo yung oras na yun mabati mo lang siya sa mismong oras ng birthday niya. In short, lahat ay todo effort. Gagawin mo yung mga bagay na yun na higit pa sa ginawa mo sa iba. Kung minsan naman ay sa kaniya mo lang nagawa yun sa buong buhay mo. Sa bawat effort na yun ay mixed emotion. Masaya, excited, kinakabahan at may ngiti sa mukha na hindi mapantayan ng iba. Sa sobrang saya ay kahit na gaano man kahirap yung ginawa mo ay talagang binigyan mo ng halaga ito at binuhos mo lahat ng iyong oras para sa isang bagay na pinaghandaan mo para sa kaniya. Kahit sa mga simpleng bagay lamang ay nagagawan mo ng dahilan para maging espesyal ang isang bagay. Sa bawat sandali ay mahalaga sa iyo dahil hindi lahat ng oras ay may pangalawang pagkakataon. Yung mga panahon kailangan niya ng karamay ay nandun ka para mapasaya siya at damayan siya. Kaya kung may bagay na pwede mong magawa para sa kaniya ay sinusulit mo na ito dahil darating ang oras na baka last na yun. Lalo na kung alam mo naman na bibihira lang ang ganun pagkakataon. Yung mga oras na simpleng makasama mo lang siya at makausap ay malaking bagay na yun sa iyo dahil ganun siya kahalaga sa iyo. Kaya nagiging espesyal ang isang tao dahil binibigyan mo ng halaga sa buhay mo at higit sa lahat ay binibigay mo yung effort mo sa kahit na simpleng bagay para lang maramdaman niya na lagi kang nandiyan para sa kaniya. Kaya mong gawin ang mga bagay-bagay kahit na madali o mahirap kasi para sa iyo kakayanin mo ito dahil alam mo sa sarili mo na mapapasaya mo siya. Ganun siya ka espesyal sa buhay mo. Ganun mo siya binigyan ng halaga sa buhay mo. 

No comments:

Post a Comment