Sunday, February 14, 2016

Cold Day

COLD DAY

House -> Pasay -> Kabihasnan -> SM Sucat -> Puregold Evacom -> Lianas - Puregold Evacom -> Gatchalian -> Home 

           February 8, 2016, Monday, ito daw ang araw na pinakamalamig sa Manila ngayong taon. Tanghali na ng umalis ako sa bahay pero ang lamig ng hangin parang Tagaytay. Nagsisimula ng matunaw ang mga yelo ng mga nasa north. Nagsisimula ng lumamig ang panahon sa kaunting sandali. Nagsisimula na din ang pagdami ng mga nagtitinda ng mga roses, chocolates, stuff toys, at marami pang iba dahil buwan na ng mga puso. Nagsisimula ng magpatugtog ng mga love songs sa mga malls kahit sa tricycle, jeep, at fx. Panahon na ng pag-ibig para sa mga taong nagmamahalan, nagmahal, umasa at nabigo. 

            Ngayong araw na ito ay napakadaming nangyari. Madaming kailangan ayusin at asikasuhin. Tila ako ay parang babagsak na sa pagod at mahiga kahit sa kaunting sandali. Ngayon ko lang napagtanto na mahirap magpunta sa mga lugar-lugar para mag-grocery ng commute lamang. Nakakapagod kung isipin ngunit sa kabila ng mga ito ay sa bawat pagsubok ay kailangan labanan. Kaya sa buhay na ito kung minsan kailangan mo din tumigil at magpahinga sa kaunting sandali upang mawala sandali ang pagod na nararamdaman na katulad na lamang sa pag-ibig. Hindi habang panahon, ika'y nagmamahal at umaasa lamang sa isang tao na hindi ka naman mahal. Kung minsan kailangan mo din huminto muna at mag-isip. Kailangan mo munang magpahinga at mahalin din ang sarili. Darating din ang araw na marerealize mo na maaaring mahalin ka din niya tulad ng pagmamahal mo sa kaniya o may ibang taong buong puso na magmamahal sa iyo na higit pa sa taong hinihintay mo noon. Sa panahon ito, mabilis na lamang nakukuha ang mga bagay-bagay. Kaya sa huli ay madali din nawawala. Kaya mas maganda na pinagsisikapan maigi at hinihintay na lamang ang takdang panahon dahil sobra-sobra din ang balik ng tuwa na mararamdaman kapag ito ay nakamit na. Darating ang panahon na sa malamig na buwan ng Pebrero ay hindi na kasing lamig ng nararamdaman mo ngayon dahil ito ay may halo ng saya, puno ng pagmamahal at higit sa lahat ay puno ng pagpapahalaga na hindi lamang sa taong mamahalin mo habang buhay kundi pati sa iyong sarili. Kaya't wag laging madaliin ang buhay pag-ibig. Dapat hinihintay din ang takdang panahon para mahalin ka ng buong puso. Balang araw ay makikilala mo din yung taong makakasama mo habang buhay. Yung taong ipaglalaban ka, aalagaan at mamahalin ng buong puso habang buhay. Yun ang pag-ibig na hihintayin mo pero sobra-sobra ang saya na mararamdaman mo dahil ito na yung panahon na hindi lang ikaw ang nagmamahal kundi ay may magiging karamay ka na sa bawat paglalakbay na gagawin mo sa mundong ito. Siya na yung maghahatid sa iyo sa altar at sasabihan mo ng katagang "I do". Siya na yung taong makakapiling mo hanggang sa iyong huling hininga. Sa panahon ngayon ay madami ng umiibig pero hindi man lang dumarating sa simbahan. Kung minsan naman ay nagmamahal lang pero hindi naman siya sinusuklian ng pagmamahal. Yung iba naman ay nakahantong ng simbahan pero paglipas ng ilang taon ay maghihiwalay din. Sa panahon ngayon ay madami ng naghihiwaly dahil walang matibay na pinagsamahan, pundasyon at higit sa lahat ay lubos na pagmamahal. Kaya dumarating na lamang na nagkakawatak ang pamilya. Kaya mas higit na maganda pa din na pagdating sa pag-ibig lalo na sa buhay mag-asawa ay kailangan paghandaan. Kailangan ay pinapanalangin mo muna bago magdesisyon pagdating sa buhay pag-ibig dahil sa bawat desisyon na iyong gagawin ay may kapalit. Maaaring mapait o hindi kaya ay kasiyahan. Kaya hindi lamang ito sa simpleng "mahal kita". Ito ay pinag-iisipan din at pinapanalangin dahil dito din nakasalalay ang magiging susunod na yugto ng buhay pagdating sa buhay pamilya. Kaya kapag nagmahal ka ay hindi lang siya sa salita kundi pati sa gawa. Kailangan ay pinapatunayan at pinapakita din lalo na ay yung magagawa niya para sa iyo kapag kayo ay naging isa na. Kaya ang buhay pag-ibig ay hindi lang sa maging masaya at kiligin ka ng sandali kundi ay magkaroon ka ng magiging partner mo habang buhay. Sa bawat pagsubok ay teamwork kayo. Kaya kapag ika'y umibig at nagmahal ay mas magandang maging totoo ka sa sarili mo at sa taong mamahalin mo habang buhay. Mahalin mo ang iyong sarili bago ka magmahal ng iba para kahit na wala pa yung taong yun ay masaya ka pa din sa kung ano ang meron ka ngayon. Wag magmadali kasi darating din naman siya eh sa panahon na itinakda para sa iyo. Kaysa yung pilit mong hinahanap ang taong iyon at paulit-ulit ka naman nasasaktan. Kaya mas mabuti pang magmahal ka pero minamahal ka din. Higit sa lahat ay yung tanggap ka niya kung sino at ano ka. Masarap magmahal kung siya talaga ang ipinagkaloob sa iyo ng Panginoon at hindi yung laging minamadali. Someday darating din siya or matagal ng nasa tabi mo pero hinihintay ka lang din niya. Pag-ibig nga naman. Happy FEB-ibig month! ^_^

FEB-ibig Month


FEB-ibig Month


                    February ang madalas na gusto ng mga taong nagmamahalan pero ito din yung buwan na madaming bitter kasi single sila. Ang buwan na ito ay punong-puno ng pula dahil sa mga rosas, stuffs na may hugis puso, love letters, chocolates at love songs. Ito ang mga bagay na madalas makita sa daan, malls at mga kainan. Yung mga promos na para sa dalawahan ay nagsisilabasan din at mga getaway dates ay nandyan. Ito din yung panahon kung saan ay nagsisilabasan din ang mga secret admirers. Sa simpleng sulat, chocolates at iba't-ibang stuffs ay bigla na lamang mag-aabot sa iyo. 


                     Most likely, ito ay para sa mag-asaw. Sa panahon kasi ngayon kahit mga kabataan ay ginagawa na ito sa simpleng crush. Ngayon kasi kahit na mga bata palang ay alam na din ang ibig sabihin nito. Sa panahon din ngayon ay mas pinalawak nila ang Valentines Day. I mean, some people celebrate it not only for couples but for everyone to share love. Some are for friends, family and someone special. 


                      Ako, ano ba ang feel ko kapag Valentines Day or Hearts Day? Hmm, nothing. I mean usual day lang siya. Hindi naman namin ipinagdiriwang yun kasi wala naman yun sa religion namin pero we believe in God's love. God's love pa rin ang mahalaga kasi He first love us. Para sa akin kasi you can celebrate it if you only have someone special na talagang mahal mo or you can celebrate it anytime or any day kasi hindi ka lang naman nagmamahal sa araw na yun. You love the person every day. You can do something that seems special in some ways like cooking, caring, and even simple gestures. When you love someone, in any aspects of showing love that's all meaningful. Wala naman masama kung sa ibang araw ng February kayo magcelebrate o sa ibang buwan kasi pwede naman magcelebrate anytime so there's nothing wrong with that. Love kasi marami yang klase. You can love anyone like family, friends, church family and anyone close to you. So hindi siya naka-base sa couples. Its Love Month sabi nga nila, so you can still celebrate it with anyone and any day you want. Giving gifts? Hmmmm... Ok lang naman. Giving is something should be appreciated anyway. They give time and effort so better to accept it even it looks simple as long as it looks good. I mean not in a joking manner like giving a fool/insane-kind-of-gift because some people just want to play. So going back, hmmm, flowers? Ito din yung buwan na madaming nagbebenta ng bulaklak. Para sa akin, mas prefer ko yung nasa paso kasi masisira o mamatay lang naman yung bulaklak kapag nakatanggap ng bouquet. Kaya kapag nagdadala ng bouqet yung boyfriend ng ate ko, naaawa ako dun sa bulaklak kasi kinabukasan ay mamatay din naman siya. Though, hindi talaga ako mahilig sa mga bulaklak kasi choosy ako sa amoy. May iba din na na allergy ako kaya hindi lahat ay pwede sakin. Siguro kung makulit talaga siya eh isang red rose na lang tapos iba pa yung nasa paso kasi atleast yun isa lang ang mamatay na bulaklak at yung isa ay maalagaan ko pa. If you want to know kung may natanggap na akong bulaklak, ahm wala pa. Yung eighteen roses nung debut eh syempre oo pero yung someone na magbibigay sakin ng ganun ahm wala. Tsaka hindi naman ako naghahangad kasi kung may magbibigay edi meron kung wala edi wala ganun kasimple, hihihi. Bakit? Kasi kung talagang meron edi yun na. Hindi mo naman maipipilit ang isang bagay na wala talaga. So, ganun lang yun. Iba pa din kung naghihintay ka lang. I mean naghihintay ka pero at the same time eh nag-eenjoy ka sa kung ano ang meron ka. Yun yung para sa akin. Wala naman masama dun. Besides, simple lang naman ang gusto ko. I mean, kahit anong bagay na simple eh ok lang sa akin. Simpleng kain ng barbecue lang eh, masaya na ako. Madaming bagay na kahit simple lang eh masaya na ako dun. Sa ngayon, enjoy lang. Hindi naman kailangan madaliin ang buhay pag-ibig. Ok lang naman na magfocus muna sa career bago ang love-life kasi may iba na kahit na ilang buwan o taon na sila ng taong mahal nila eh nagkakahiwalay dahil sa career. So it’s better din na bago magka-love life ay focus sa career para din sa future. Kaya kapag dumating na yung taong magmamahal sa iyo ng buong-buo na magdadala sa iyo sa altar hanggang sa pang-habambuhay ng inyong pagsasam, edi yun na, hahaha. Kung siya na, eh siya na talaga. So ayun nga, pero siryoso ako dun. Yun talaga ang gusto ko. Besides, ayoko din ng heartbreak o maexperience yun. Mahirap mag-move on lalo na kapag minahal mo talaga. Mahirap magtiwala ulit kasi kapag yan ay nasira hindi mo na maibabalik kung ano ang meron dati.  Madaming memories na kailangan kalimutan kapag nangyari yun. I mean, naging part siya ng buhay mo pero kapag nasaktan ka ng sobra it takes time para masabi mong ok na kayo. Ok lang kung crush muna ngayon. Crush lang naman, ibig sabihin hinahangaan ko yung tao pero love eh ibang level na yun. Ipinapanalangin ng maigi yun. In every decision we make mas ok pa din na ipanalangin yun kasi dun sigurado na nasa right path ka. Dun mo makikita yung kung sino ba talaga ang hinangad ng Panginoon para sa iyo. So habang wala pa eh enjoy ko muna ang pagtravel adventures at tasty road ko, haha. In short, enjoy life. So ganun, ganun lang kasimple magcelebrate habang wala pa yung taong makakasama mo habang buhay. Love God and trust Him in everything. He will lead you the right path especially when it comes to your future. Hindi naman ako nagmamadali at wala naman akong hinihintay ngayon. I'm just enjoying what I have now because everything is written that waiting to be happen. Minsan na akong naghintay at nagmahal pero sa ngayon ay kung ano man ang dumating sa buhay ko ay yun na ang ipinagkaloob ng Panginoon kasi everything in our life has a purpose. So let's just enjoy what we have for now because everything comes on the right time. 

Monday, February 8, 2016

Moments Turns To Memories


Moments Turns To Memories

                Memories are preciuos moments. Sa paglipas ng isang araw, yung moments na yun ay nagiging memories na lang. As time flies, babalikan mo na lang yung mga alaala na yun base sa mga pictures, videos, letters, songs, etc na mag-reremind sa iyo ng nakaraan. Sa paglipas din ng panahon, sa buhay natin eh may dumarating at umaalis. May iba't-ibang dahilan o rason. May iba't-ibang pangyayari, masayo o malungkot. Katulad nga ng kasabihan, "Nothing is permanent in this world." Maraming nagbabago. Family? Yung iba kailangan mag-ibang bansa. Yung iba, may sari-sarili ng pamilya. Friends? Ngayon magkasama kayo pero maaaring sa susunod na buwan o taon ay hindi na. Relationships? Maaaring mahal mo siya ngayon pero darating yung time na hindi na dahil may nagbago. Depende. Madaming dahilan pero iba't-iba din ang rason. Iba-ibang angulo ng istorya sa bawat buhay ng tao. Kaya nga kadalasan ay sinasabi ng tao na, "Minsan lang naman ito, sulitin mo na." Yes, its true. Time will come na magsisi ka. Time will come na masasabi mo din na, "Dati, nagkikita pa tayo araw-araw. Ngayon, hindi na kita masilayan." Sa buhay natin mahalaga ang oras. Makikita mo na lang isang araw na, "Parang dati lang....ngayon..." Then you will end up reminiscing those things in your life. You will see your achievements, failures, ups and downs. You will ponder on those things you've done in your life. That's why every minute counts because things might not happen again. Time will come, you will miss those things. You will feel that there are times you want a time machine and experience all those things again. You feel that you want to stay from the past even just for a little time. There are also movies that let you feel about going to the past but still in the end you have to go back to the present time. Its like experiencing a little fantasy from your past but still you have to be in the present time. That's the same feeling when you reminisce the old times. You will remember those precious memories but only for a moment. That's what memories are in our life. A time that makes you ponder a little but in the end things are still the same. They are still only memories. Memories that built the story of your life. Cherish every moment because time will come those things will never be the same again. 

Instant


Instant

                   Lahat ng bagay na instant eh nawawala din agad. Sa pagkain, kung puro instant ang kinakain ng tao araw-araw at walang proper diet eh instant din ang dahilan ng sakit o cancerous. Sa kaibigan, kapag insant mo lang din naging kaibigan, kung minsan sila din yung instant na nawawala sa buhay. Kumbaga eh hindi tumatagal. Sa relationship, kadalasan ay hindi tumatagal o hindi humahantong sa simbahan. 

                   Sa maraming bagay, kapag biglaan lamang nakukuha ang isang bagay na hindi man lang hinintay o pinaghirapan ay mabilis din nawawala. Mabilis din nakakalimutan dahil hindi naman nabigyan ng halaga. Para bang balewala na lamang kasi hindi ka naman nag-effort sa isang bagay para makamit mo yung bagay na yun. Kumbaga hindi ganun kabigat sa pakiramdam kahit na mawala ang isang bagay kasi walang halaga. Kung ang isang bagay ay bingyan mo ng effort at halaga ay sobrang aalagaan mo yung bagay na yun. Hindi mo basta papakawalan o bibitawan ang isang bagay kasi may value. Doon mo mararamdaman na mabigat sa pakiramdam kapag yung bagay na sobra mong pinagpaguran o pinangahalagahan ay sa isang iglap ay nawala na lang. Kaya may mga bagay talaga na dapat ay binibigyan ng halaga na hindi basta basta tinatapon na lang dahil darating ang panahon na pagsisihan mo na nawala ito. 

Someone Special


Someone Special

                 Kapag special sa iyo yung tao, iba eh. Iba yung kaya mong gawin para sa kaniya. Hindi mapapantay ng iba mong ginagawa sa ibang tao. Kumbaga, madidifferentiate mo yung simpleng kaibigan lang sa isang special na tao. May mga bagay na hindi mo ginagawa sa iba na sa kaniya mo lang nagawa. May mga special dates sa kalendaryo mo at special na lugar para sa iyo dahil yun yung mga bagay na magpapaalala ng mga oras na nakasama mo siya. Yung pagbigay ng isang card na isinulat mo para sa kaniya na may dagdag pang design bago mo ibigay. Kapag birthday niya ay sa mismong saktong 12mn ka magtetext sa kaniya kahit na pagod ka eh hihintayin mo yung oras na yun mabati mo lang siya sa mismong oras ng birthday niya. In short, lahat ay todo effort. Gagawin mo yung mga bagay na yun na higit pa sa ginawa mo sa iba. Kung minsan naman ay sa kaniya mo lang nagawa yun sa buong buhay mo. Sa bawat effort na yun ay mixed emotion. Masaya, excited, kinakabahan at may ngiti sa mukha na hindi mapantayan ng iba. Sa sobrang saya ay kahit na gaano man kahirap yung ginawa mo ay talagang binigyan mo ng halaga ito at binuhos mo lahat ng iyong oras para sa isang bagay na pinaghandaan mo para sa kaniya. Kahit sa mga simpleng bagay lamang ay nagagawan mo ng dahilan para maging espesyal ang isang bagay. Sa bawat sandali ay mahalaga sa iyo dahil hindi lahat ng oras ay may pangalawang pagkakataon. Yung mga panahon kailangan niya ng karamay ay nandun ka para mapasaya siya at damayan siya. Kaya kung may bagay na pwede mong magawa para sa kaniya ay sinusulit mo na ito dahil darating ang oras na baka last na yun. Lalo na kung alam mo naman na bibihira lang ang ganun pagkakataon. Yung mga oras na simpleng makasama mo lang siya at makausap ay malaking bagay na yun sa iyo dahil ganun siya kahalaga sa iyo. Kaya nagiging espesyal ang isang tao dahil binibigyan mo ng halaga sa buhay mo at higit sa lahat ay binibigay mo yung effort mo sa kahit na simpleng bagay para lang maramdaman niya na lagi kang nandiyan para sa kaniya. Kaya mong gawin ang mga bagay-bagay kahit na madali o mahirap kasi para sa iyo kakayanin mo ito dahil alam mo sa sarili mo na mapapasaya mo siya. Ganun siya ka espesyal sa buhay mo. Ganun mo siya binigyan ng halaga sa buhay mo.