Sunday, February 14, 2016

Cold Day

COLD DAY

House -> Pasay -> Kabihasnan -> SM Sucat -> Puregold Evacom -> Lianas - Puregold Evacom -> Gatchalian -> Home 

           February 8, 2016, Monday, ito daw ang araw na pinakamalamig sa Manila ngayong taon. Tanghali na ng umalis ako sa bahay pero ang lamig ng hangin parang Tagaytay. Nagsisimula ng matunaw ang mga yelo ng mga nasa north. Nagsisimula ng lumamig ang panahon sa kaunting sandali. Nagsisimula na din ang pagdami ng mga nagtitinda ng mga roses, chocolates, stuff toys, at marami pang iba dahil buwan na ng mga puso. Nagsisimula ng magpatugtog ng mga love songs sa mga malls kahit sa tricycle, jeep, at fx. Panahon na ng pag-ibig para sa mga taong nagmamahalan, nagmahal, umasa at nabigo. 

            Ngayong araw na ito ay napakadaming nangyari. Madaming kailangan ayusin at asikasuhin. Tila ako ay parang babagsak na sa pagod at mahiga kahit sa kaunting sandali. Ngayon ko lang napagtanto na mahirap magpunta sa mga lugar-lugar para mag-grocery ng commute lamang. Nakakapagod kung isipin ngunit sa kabila ng mga ito ay sa bawat pagsubok ay kailangan labanan. Kaya sa buhay na ito kung minsan kailangan mo din tumigil at magpahinga sa kaunting sandali upang mawala sandali ang pagod na nararamdaman na katulad na lamang sa pag-ibig. Hindi habang panahon, ika'y nagmamahal at umaasa lamang sa isang tao na hindi ka naman mahal. Kung minsan kailangan mo din huminto muna at mag-isip. Kailangan mo munang magpahinga at mahalin din ang sarili. Darating din ang araw na marerealize mo na maaaring mahalin ka din niya tulad ng pagmamahal mo sa kaniya o may ibang taong buong puso na magmamahal sa iyo na higit pa sa taong hinihintay mo noon. Sa panahon ito, mabilis na lamang nakukuha ang mga bagay-bagay. Kaya sa huli ay madali din nawawala. Kaya mas maganda na pinagsisikapan maigi at hinihintay na lamang ang takdang panahon dahil sobra-sobra din ang balik ng tuwa na mararamdaman kapag ito ay nakamit na. Darating ang panahon na sa malamig na buwan ng Pebrero ay hindi na kasing lamig ng nararamdaman mo ngayon dahil ito ay may halo ng saya, puno ng pagmamahal at higit sa lahat ay puno ng pagpapahalaga na hindi lamang sa taong mamahalin mo habang buhay kundi pati sa iyong sarili. Kaya't wag laging madaliin ang buhay pag-ibig. Dapat hinihintay din ang takdang panahon para mahalin ka ng buong puso. Balang araw ay makikilala mo din yung taong makakasama mo habang buhay. Yung taong ipaglalaban ka, aalagaan at mamahalin ng buong puso habang buhay. Yun ang pag-ibig na hihintayin mo pero sobra-sobra ang saya na mararamdaman mo dahil ito na yung panahon na hindi lang ikaw ang nagmamahal kundi ay may magiging karamay ka na sa bawat paglalakbay na gagawin mo sa mundong ito. Siya na yung maghahatid sa iyo sa altar at sasabihan mo ng katagang "I do". Siya na yung taong makakapiling mo hanggang sa iyong huling hininga. Sa panahon ngayon ay madami ng umiibig pero hindi man lang dumarating sa simbahan. Kung minsan naman ay nagmamahal lang pero hindi naman siya sinusuklian ng pagmamahal. Yung iba naman ay nakahantong ng simbahan pero paglipas ng ilang taon ay maghihiwalay din. Sa panahon ngayon ay madami ng naghihiwaly dahil walang matibay na pinagsamahan, pundasyon at higit sa lahat ay lubos na pagmamahal. Kaya dumarating na lamang na nagkakawatak ang pamilya. Kaya mas higit na maganda pa din na pagdating sa pag-ibig lalo na sa buhay mag-asawa ay kailangan paghandaan. Kailangan ay pinapanalangin mo muna bago magdesisyon pagdating sa buhay pag-ibig dahil sa bawat desisyon na iyong gagawin ay may kapalit. Maaaring mapait o hindi kaya ay kasiyahan. Kaya hindi lamang ito sa simpleng "mahal kita". Ito ay pinag-iisipan din at pinapanalangin dahil dito din nakasalalay ang magiging susunod na yugto ng buhay pagdating sa buhay pamilya. Kaya kapag nagmahal ka ay hindi lang siya sa salita kundi pati sa gawa. Kailangan ay pinapatunayan at pinapakita din lalo na ay yung magagawa niya para sa iyo kapag kayo ay naging isa na. Kaya ang buhay pag-ibig ay hindi lang sa maging masaya at kiligin ka ng sandali kundi ay magkaroon ka ng magiging partner mo habang buhay. Sa bawat pagsubok ay teamwork kayo. Kaya kapag ika'y umibig at nagmahal ay mas magandang maging totoo ka sa sarili mo at sa taong mamahalin mo habang buhay. Mahalin mo ang iyong sarili bago ka magmahal ng iba para kahit na wala pa yung taong yun ay masaya ka pa din sa kung ano ang meron ka ngayon. Wag magmadali kasi darating din naman siya eh sa panahon na itinakda para sa iyo. Kaysa yung pilit mong hinahanap ang taong iyon at paulit-ulit ka naman nasasaktan. Kaya mas mabuti pang magmahal ka pero minamahal ka din. Higit sa lahat ay yung tanggap ka niya kung sino at ano ka. Masarap magmahal kung siya talaga ang ipinagkaloob sa iyo ng Panginoon at hindi yung laging minamadali. Someday darating din siya or matagal ng nasa tabi mo pero hinihintay ka lang din niya. Pag-ibig nga naman. Happy FEB-ibig month! ^_^

No comments:

Post a Comment