Saturday, January 2, 2016

Jan. 1 2016: My Bebe Love

Movie Critic: My Bebe Love 



This is it, napanood ko na siya. Speaking of My Bebe Love, ito na syempre rom-com so I was expecting na super funny siya kasi kasama na din ang bagong comedian na si Maine na mahilig magpatawa sa Kalyeserye plus kilig factor dahil kay Alden. So ito na nga.


AiAi Delas Alas and Vic Sotto

- compare sa previous movie nila na magkasama sila eh mas nakakatawa ito. Nasa punchline pa din kasi yan at script lalo na yung storyline. Yun ang isa sa tinitignan ko kapag nanunuod ako ng mga movies o teleserye. Dito, parang bumalik yung sobrang pagpapatawa ni Vic Sotto parang balik 90s lang kasi nung bata ako madalas din ako nanunuod ng palabas niya. Iba lang talaga kasi ang mga palabas nung 90s, may storya at sobra sa pagpapatawa. May mga palabas kasi ngayon na wala ng sense yung story puro patawa lang. Kumbaga, may kulang para mas gumanda yung palabas. So ito, mas nagustuhan ko yung kulitan tandem at punchline ng script nila dito. Edi hindi lang siya nakakatawa kundi sobra sa katatawanan.


Dagdag ko na ito:
Fave movie ko ni Ms. Aiai yung Tanging Ina. Lahat naman ng movie niya eh talagang nakakatawa pati na din kay Bossing Vic pero yung Tanging Ina ang da best lalo na eh yung tandem nila ni Ms. Eugene Domingo. Sana may movie ulit sila ni Ms. Eugene na magkasama sila. Katulad nung nag-guest si Ms. Aiai sa Celebrity Bluff last time sobrang nakakatawa sila. Si Bossing Vic eh yung Enteng Kabisote. Hindi man maikakaila na medyo magkahawig na sila ng papa ko at parehong nagpapatawa eh minsan parang pinapanood ko na yung papa ko, hahahaha. Tawag din sa papa ko eh Bossing kasi nga magkamukha sila nung binata pa yung papa ko, ngayon eh medyo na lang. ^_^ 

Maine Mendoza and Alden Richards

- syempre, alam naman natin na kapag nagsama na ang dalawa eh may kilig factor simula pa lang ng Kalyeserye. So dito, kahit siryoso yung ibang part ng scenes nila parang Kalyeserye feels pa din dahil sa kulitan nilang dalawa lalo na yung titigan at ngitian nila. Blooming ang mga mata at ngiti nila sa isa't-isa. Matindi ang chemistry nila kaya sobrang gusto ng karamihan na mahantong din ang dalawa sa simbahan.



Maine as an actress

- natural lang siya umarte parang nasa kalyeserye pa din siya. I mean, ang feeling eh hindi movie pinapanuod mo parang kalyeserye pa din lalo na kapag kasama si Alden. Kumbaga eh dun kasi nakasanayan makita sila kapag napapanood sila. Sobrang iba siya eh. Compare sa videos niya sa blog, dubsmash at ibang showbiz committments niya, eh hindi niya kailangan mag-effort ng bonggang-bongga para lang makita yung acting niya. Yun na yun eh, konting galaw eh, smooth lang. May mga artista talagang ganun. Yung kapag pinanood mo eh hindi mo makikita na kailangan niya mag effort pa ng bongga para lang masabing ang galing ng isang tao mag-act sa tv. Yun yung maganda sa kaniya, sanay siya sa harap ng camera na magdeliver ng gagawin niya. May iba kasi pagdeliver pa lang eh may sabit. Kung mas nagagawa niya sa mga blog videos niya at dubsmash yung magandang delivery ng pag-act sa camera eh mas gumaganda pa nung nasa movie na. Good thing din yung mga commercials niya at kalyeserye kasi parang mas natrain siya lalo sa pagdeliver ng acting niya. Mas nagdedevelop at mas lalong nagiging natural lang yung dating para bang hindi Maine ang nakikita mo kung hindi yung mismong character na pinapakita niya. Yun yung importante sa palabas eh, yung maipakita o isipin na mailabas mo yung character na hinahawakan mo. Kaya mas natural yung dating na para bang totoo na at hindi acting. Yun yung mas hinahanap ko din sa mga Korean movies o series na pinapanuod ko. Yung makita mo yung natural na acting ng isang artista para mas maganda siya panoodin. Kumbaga eh hindi pilit yung pagdeliver sa isang palabas kaya mas maganda panoodin. Advantage kay Maine yung sanay siyang humarap sa camera na go with the flow lang yung idedeliver niyang character. So I can say na sa susunod eh hindi lang siya pang best supporting actress kundi best actress na din soon sa magiging next movie niya.



Alden 

- habang nanonood ako parang nasa Kalyeserye lang tong si Alden kasi naman kung makatitingin at ngiti kay Maine eh ganun na ganun din. Lumalabas yung spark plus kilig feeling. Ang tao kasi kapag ngumiti eh mas iba kapag kinikilig o gusto yung taong nginingitian. Iba siya dito compare sa ibang movies niya kasi ito comedy. Most likely kasi ng palabas niya eh drama. So ito, comedy na may kilig factor pa. So siya, effortless na yung paglabas ng kilig factor dahil na din sa chemistry nila ni Maine sa Kalyeserye. Lalo na yung spark kapag nagsama na sila.



Over-all:

- maganda yung storyline, yung script lahat eh matatawa ka sa bawat punchline at kulitan, lalo na yung directing. Maganda siya. May iba kasing comedy na puro patawa pero hindi ko trip yung story. Kumbaga, ok naman siya as comedy film pero may kulang sa iba't-ibang aspeto. May ganun kasing klase ng palabas. Magaling din kasi yung director na si Jose Javier Reyes. Yung mga palabas niya eh madami akong nagustuhan lalo na ang pinaka-favorite ko sa lahat ay yung Kung Ako Na Lang Sana by Aga and Sharon. Ang palabas kasi hindi lang yan basta sa artista kundi buo yan. So, kung may kulang eh damay-damay na. Kaya kapag maganda ang script, storyline, acting, etc. eh bongga. Sobrang ganda ng kalalabasan ng palabas. So para sa akin maganda talaga yung palabas. Syempre, nakakabitin kasi may pahabol. Kaya may aabangan pa. ^_^kiki emoticon

23 Years: The Journey

Bago ang lahat, istorya ko ito so kung ayaw mong magbasa ng mahaba huwag mo ng ituloy, hahaha! Kung gusto mo gumawa ka ng sarili mo. Walang pakialamanan. Kanya-kanyang trip ito, hahaha! 

INTRODUCTION


This is it, only a few days left before December ends. A new year to come and another journey to my life. A few months left for my birthday. This is it, I'm gonna write a story about myself because this is the year. The year that is very meaningful and something special for me. The year where all started to realized many things about my life. 

Ano nga ba ang 2015 para sa akin. Dito ko mas naexperience yung gusto ko. I mean after college kasi eh parang wala lang. I mean yung pagiging "tambay" ko sa bahay. Though tumutulong naman ako sa bahay at mga iba pang kailangan gawin. Pero sa taong ito, sa pagiging 23 years old ko, dito ko mas na enjoy lahat ng first ko. I mean mga narealize ko din like yung mga adventures ko. 


WORK

- Stable naman ang work sa office. Naiayos ko naman yung dapat kong ayusin. Syempre, nandoon pa din yung mindset ko na tapusin yung dapat kong tapusin on the right time. Well, most likely eh maaga kong natatapos yun. Syempre yun ang nakasanayan kong gawin, ang tapusin ng maaga yung mga dapat gawin para anything goes na lang after. 


TRAVEL ADVENTURES : Pandiks Adventure 




- Dito ko naman mas na enjoy ang pagpunta sa iba't-ibang lugar. Lalo na nung sinimulan ko yung Pandiks Adventure. Yan yung mga lugar na pinuntahan ko. Lalo na yung first time kong mag-gala sa Tagaytay mag-isa. Kakaibang experience compare sa Bali. Yung sa Bali kasi nag-bike lang ako sa labas ng resort nung nag-gala ako. So isang lugar lang ang napuntahan ko. Unlike itong Tagaytay eh madami akong napuntahan just in 5 hours, hahaha! Ang makulit pa eh, commute lang ako. Dahil nakasanayan ko ng mag-reserach ng lugar at expenses bago pumunta sa isang lugar eh may idea na ako kung ano mga gagawin ko. Kumbaga familiarization na lang ang gagawin ko para mas madaling magtravel kahit mag-isa lang. Kaya ito na, nagpunta ako ng Palace in the Sky, Starbucks, Bag of Beans, at Sky Ranch. Dapat kasama din sa list ko ang Picnic Grove kaso kulang ako sa time dahil sunset na kaya dumiretso na ako ng Sky Ranch para sa Sky Eye experience na gusto ko. Gusto ko kasi sumakay dun ng sunset na para maganda ang view na makikita ko. Yun din ang ginagawa ko dati sa Mall of Asia (MOA) kapag ang uwian ko sa school ay 5pm. Minsan tumatambay muna ako dun bago umuwi. Sinisilayan ko lang yung sunset. 

Dito ko mas nafeel na gusto kong mag-travel pa sa maraming lugar kahit na solo adventure lang kasi kahit mag-isa lang ako eh naeenjoy ko pa din. Ang masaya pa dun kahit mag-isa lang ay anywhere I want talaga yung mapupuntahan ko at hawak ko yung oras ko kung gaano katagal ang gusto kong mag-stay sa isang lugar. 

Ang hashtag ko instagram: 
#PandiksAdventure


FOOD TRIP : Jamae's Tasty Road 




- Kasabay ng Pandiks Adventure ang pag-gawa ko ng Jamae's Tasty Road. Nanggaling ito sa Korean Tasty Road na variety show sa Korea na lagi kong napapanuod sa channel M. Dahil mahilig ako kumain at gumala, eh sinabay ko na ang pagkain. So sa kahit anong lugar o kainan na kakaiba ay yun ang naka-post sa instagram ko, jamae21_photography. Follow na lang kung gusto mo makita. So yun na nga, kung minsan eh nag-cocomment din ako about sa food o sa lugar ng kinainan ko. Ang mahalaga eh na-enjoy ko yung pagkain at lugar ng kinainan ko. So ngayon, makikita mo din na matakaw ako, hahahaha! Bawal magutom uy! Sakit sa ulo yun, hahaha! Kaya ok na yung matakaw kasi busog kaysa sa gutom ka. Syempre yung tipong healthy pa din, balance diet pa din at mya exercise. ^_^

Ang hashtag ko sa instagram: 
#JamaeTastyRoad
#JamaeCooking101 (kapag may niluto naman ako)


PHOTOGRAPHY: Jamae Lukban Photography

- Ngayon ako naging mas active sa pag-picture compare last year kasi ito mas madaming experience. Dito kasi eh may mga ideas na ako sa pag-gamit ng camera. Basic lang ang alam ko, hindi naman ako professional photographer. All I did is to enjoy taking photos. Kung ano yung trip kong kunan eh yun na yun. Kaysa naman mamili ka lagi o sapilitan eh wala ng kwenta. I mean wala na yung importance ng art ng photography. Kaya nga it is better to do what you love kasi dun mo maeenjoy yung ginagawa mo. Hindi mo mafifeel yung pagod kasi dun ako sa outcome ng shots ko ako tumitingin. So kung mapangit, edi next time eh papagandahin ko pa para mas mag-improve yung photography skills ko lalo na yung sa pag-gamit ng camera. May mga times lang talaga na wala ako sa mood. So kapag ganun eh hindi mo ko mapipilit kasi pangit lang magiging outcome. Parang pagkain kasi yan. Kapag malungkot ka o hindi ka masaya habang nagluluto, yung result din ng niluto mo eh hindi maganda. 

Hindi pa ako nakakapagbenta ng mga prints ko pero may plan akong magbenta. Siguro soon makakapagbenta din ako ng sarili ko na may watermark pang kasama. Sa ngayon ay nakikita palang yun ng mga friends ko sa Facebook at ibang followers sa Instagram. 

Ang hashtag ko sa instagram: 
#JamaePhotography.

Ang facebook photography page ko:
https://www.facebook.com/jamaelukbanphotography/


FRIENDSHIP / LOYALTY

- Hmmm, kung minsan hindi sa tagal ng panahon kayo magkakilala nung kaibigan mo para masabi mong kilalang-kilala niyo na ang isa't-isa. Nasa pagiging totoo at tiwala yan kasi kapag nasira yun, mahirap ng ibalik kung ano yung meron kayo dati. Kung minsan nga eh kahit bestfriend mo na o sobrang close friend mo na eh magkakaroon pa din misunderstanding. Kung minsan naman eh may mga bagay siyang isinisikreto sa iyo na iba lang ang may nakakaalam kahit ikaw yung bestfriend niya. Malalaman mo na lang yung mga bagay na yun sa iba at hindi mismo sa kaniya. Kaya kahit na matagal na kayong magkaibigan may mga bagay na minsan ay dun mo lang makikita o masasabi na hindi mo pa pala siya lubusang kilala. Para bang bumalik ka sa stage na kailangan mo siyang kilalanin ulit. 


LOVE LIFE (Speaking of Love Life)

- Meron ba? Hahaha! Eto na yung napaka-daming nagtatanong sakin kung may boyfriend na ako, hahaha! Wala po, NBSB ako. Yan ang totoo. Kung meron man, edi ipapakilala ko siya sa inyo, hihihi. Manliligaw nga, wala eh. Boyfriend pa kaya? Kulit nila, grabe sila! Hahaha! Anyways, speaking of love-life, dumadating din yan. Hindi naman kailangan madaliin. Parang trabaho yan, kapag pinagpaguran mo at pinagtiyagaan, masarap yung balik sa iyo. Ganun din sa pagmamahal. Mas masarap yung feeling na yung taong matagal mo ng hinihintay ay dumating sa tamang panahon ay masaya ang pakiramdam. Dun mo masasabi na, siya na nga. Mahirap kasi yung ang dami mong naexperience na heartbreak tapos in the end eh parang ayaw mo ng magmahal. Kilalanin mo munang maigi. Kung totoo yang magmamahal sa iyo dapat una niyang ligawan ay pamilya mo para alam mo kung paano siya magtreat sa family mo. So ganun nga, mas ok yung kilala niya din yung family ko at ang churchmates ko kasi sila ang pamilya at kaibigan ko. Sila ang mas nakakakilala sa akin simula nung bata palang ako. Siyempre hindi lang dapat ako ang kikilalanin niya. Kasama dun yung mga taong naging parte ng buhay ko kasi kapag sinagot ko yung Mr. Guy na yan, ikaw na ang pipiliin kong Mr. Right ng buhay ko. Ibig sabihin, pagkakatiwalaan ko siya ng buong-buo kasi hindi ako basta-basta nagtitiwala sa tao. Yung iba eh taon bago ko masabing may tiwala ako sa isang tao. Ang tiwala kasi hindi yan basta basta binibigay, pinaghihirapan din yan. Kapag nasira yan, mahirap ng ibalik yan na parang nabasag na nasalamin. So ganun yun. Mas ok na yung hindi ka lang mahal ng isang tao kung hindi buong buhay mo ay mahal niya din. Syempre, have faith lang. Lahat ng bagay naman ay may purpose. Nakasulat na yan. Mangyayari na lang siya. In God's perfect time. Darating din yan. Hindi naman kailangan madaliin. So enjoy lang kahit wala pang love-life, hihi. 


HUGOT LINES / PAG-IBIG101 : Jamae's Pag-ibig101

- ito kasing leche flan, yung gabing nagluto ako para sa Christmas party kinabukasan at dun ko sinimulan ang #Pag-ibig101. Mix ng hugot lines na itutugma sa usapang pag-ibig. Pwedeng life lesson o kahit ano lang na maisip kong maicocompare ko pagdating sa pag-ibig. Ang pag-ibig kasi hindi lang yan sa relationship at madaming bagay ang pwede pagdating sa pag-ibig. Kaya hindi ka mauubusan. Sa ngayon bago matapos ang taon ay binago ko na siya para mark na din na sa akin galing yung hugot. Pinalitan ko ng#JamaePagibig101 kasi ang dami ng #Pagibig101. So para mas unique, ito na lang. 

Ang hashtag ko sa instagram: 
#JamaePagibig101


BUSINESS

- ito na, dito ko din nasimulan ang personalized mug business ko. Gusto ko kasi maisama din ito sa pagtayo ng coffee shop ko. So habang nag-iipon ako para sa coffee shop ko ay mug na lang muna. Atleast may extra akong pagkakakitaan maliban sa office work. By the way, business minded person ako. So happy ako kapag may business kasi kahit mahirap yung ginagawa ko eh enjoy naman ako kasi alam ko naman na para sakin yun at nag-eenjoy ako. Para yun sa goal ko na magkaroon ng sarili kong coffee shop. 

Ang hashtag ko sa instagram: 
#BusinessPaMore
#MugPaMore
#OrderPaMore 


LIFE LESSON / EXPERIENCES

- Sobrang dami ng mga experience ko ngayong 23 ako. Sobrang saya at part din ng life-lesson para sakin. Dito ako mas unang naka-experience about outside world. Unlike yung nasa bahay lang ako. So limited lang. Ito, madami akong nakukuhang ideas lalo na sa madaming bagay. Yung experiences kasi sa buhay ay hindi yan napapalitan, kung hindi parang school na nagbibigay aral sa atin. Dito ko mas nakikilala ang sarili ko. Dito ko nakikita kung ano ako at kung ano talaga ang gusto ko para sa future na ibubuild ko. Kasi kung ano ang present ay yun ang makikita sa resulta ng future natin. So dapat maenjoy lang kung ano yung meron tayo ngayon para matreasure natin in the future. 


MAINE MENDOZA A.K.A. DUBSMASH QUEEN / YAYA DUB 



- Simula nung sumikat si Maine as Yaya Dub, eh one time sa Starbucks nung bumili ako ng Caramel Frappe ang sabi ko ay Mae pero Maine ang nailagay. Natawa ako kasi dun lang nagkamali ng lagay sa pangalan ko na binanggit kong Mae. Most likely kasi na error kapag Mae ay May ang naisusulat. So natawa ako. Naicompare din ako sa kaniya, syempre in a good way naman. So dun ako nagsimula na magka-interest sa blog niya pati sa Kalyeserye. One time pa nga eh sabi ng kapatid ko nung nanunuod kami ng interview ng Jessica Soho habang dinner namin lahat. Sabi niya, "Ate, kaboses mo din siya kumanta." Pinakita kasi yung isang episode na kumanta siya. Sa isip-isip ko eh mas maganda naman yung boses niya noh compare sakin. Natawa na lang ako at nakakatawang isipin na may tao palang medyo kaparehas ko sa ibang aspect maliban sa March din siya. I mean, base sa nabasa ko sa blog niya, eh yung iba dun ay may pagkakapareha kami maliban sa pareho kaming introvert na kayang hindi lumabas ng bahay at magstay sa kwarto para lang gawin yung kung ano ang trip gawin. Isusulat ko na lang yun next time kung ano yung mga pagkakapareho namin at differences namin dalawa base sa nabasa ko sa blog niya, hihi. One thing for sure, mas maganda siya sakin, hahaha. ^_^ 


FAITH: God's Perfect Plan

- Last thing, every thing has a purpose. So kung ano man ang mga yun may dahilan. Soon after marerealize na lang natin kung bakit nangyari ang isang bagay. Kaya nga in the end, faith lang talaga kasi God has a better plan for us. So just trust God and always have faith in him. Sa lahat ng bagay yun ang mahalaga. Always look up to God. 


SHOPPING: Giving yourself a reward

- Ito ngayon ko lang na experience na bumili na something na gusto ko talaga at gagamitin ko. Yung in a sense na gift na din para sa sarili ko. Yung na eenjoy ko yung pera na pinaghirapan ko. I mean if you worked hard for it, give yourself a reward or gift. You know its Christmas season so madaming sale, etc. I'm not into shopping na, "Uy, ang ganda ng damit oh, bilhin ko nga." Hindi ako ganun. Ang lagi kong sinasabi kapag nasa mall ako, "Ang ganda naman nun, next time bibili ako nun." Or "Ang ganda naman nun, kapag may budget na ako, bibilhin kita pero pag-ipunan muna kita." Dati ganun. Last time kasama ko mga kapatid ko. Syempre sila may budget for shopping. So ako, may budget naman ako, pero nililimit ko lang. May nakita akong maganda. Sabi ko, "Ang ganda naman nito, bibilhin ba kita?" Kahit may budget eh ang tanong ko naman ngayon eh kung bibilhin ko o hindi. Sila naman ang taga-tulak sakin na bumili kasi alam naman nila na minsan kahit gustung-gusto ko eh pinipigilan ko lang. Ngayon lang ako nakabili ng mga damit pero syempre yung practical naman. Kung yung polo na binili ko ay P350 lang, sale yun. Sila they can afford thousands just for a polo. For example, yung sapatos most likely nasa thousands yan. Ako ang binibili ko ay nasa P1,500 less lang pero depende sa klase ng sapatos. It took me months or a year bago bumili ng bagong damit o sapatos lalo na kung matibay pa naman yung iba. Unless na lang kung talagang sobrang mura plus maganda at matibay eh go na kasi minsan lang naman yun. Wag lang yung sobrang lagi lagi na halos every month dapat may laging bago. Kung minsan inaasar o kinukulit pa ako ng ate ko na bumili naman ako ng maiba naman ang suot ko. Most likely, bilang lang sa kamay ko kung ilan lang ang binili kong gamit kasi kung meron naman ako nun at ok pa edi yun na lang muna. So ang akin, atleast I can buy something that I really want katulad ng shoes or clothes pero dapat yung sigurado para tatagal ng taon. Atleast, kung bumili man ng medyo mahal eh dapat sulit kasi matibay at maganda. Syempre yung food, lagi na akong bumibili. Hirap kaya magutom, hahaha! So ngayon, happy ako na may nabibili na ako pero syempre mas priority ko yung needs ko like yung computer. Nasira eh, months ng lumipas so I really need to buy one lalo na sa mga files ko. So kailangan balance pa din. And hello! May travel adventures pa, so dapat mag-ipon noh, hihihi. Yun, yung isa sa the best na naexperience ko, yung magshopping. Syempre yung shopping na balance lang hindi yung araw-araw nasa mall, hihi. Higit sa lahat kailangan may savings para sa future needs at priorities na kakailanganin pa sa future. So I'm starting to save din. 


BONUS: Little things about me. 


NAME
Jazziel Mae Jayloni Lukban

Jazziel -  galing sa Dictionary of Scripture Proper Names sa Bible(KJV). Jaaziel which means whom God strengthens from I Chronicles 15:18. Nagkamali kasi ng sulat yung papa ko sa birth certificate. Kaya yan na, hihihi. Hirap kayang magpalit ng pangalan sa birth certificate. Tsaka kakaiba yan, walang katulad, hahaha! 

Mae - kasi dapat May ang birth month ko pero dahil sa 7 months lang ako eh March ang birth month ko. Oo, pito-pito ako, kaya wag ka ng kumontra. 

Kaya Jazziel Mae kasi akala nila hindi na ako mabubuhay dahil sa complications. You know, complicated talaga kapag hindi ka batang 9 months. So the rest is history, haha! Tanungin mo sa parents ko kung ano yung sunod na kabanata, haha! 

NICKNAMES
Jamae - syempre ang tawag sakin ng karamihan.

Mae - tawag ng mga close friends at family ko

Amae - From Hymnal song Amazing Grace kasi yun yung kinanta ng papa ko nung conflict na yung situation ko sa hospital. Most likely ate/tita Amae ang tawag ng mga bata sakin.

Lukban - nung highschool at college. Syempre mas common ang tawagin ang apelyido kapag sa school unless kung close friend kayo o friends na eh first name na. 

BIRTHDAY
March 21, 1992 - yan madaling matandaan yan kasi 3-21... 3, 2, 1 lang. ^_^ 

FAVORITES
Ito, madaming bagay na dito mo lang malalaman, hahaha! 

FOOD 
- Pizza - tipong kaya kong ubusin yung isang box ng family size sa isang upuan lang. 
- Pasta - kahit anong klaseng luto ng Italian pasta.
- Barbecue - kahit 3 stick plus rice solve na.
- Ice Cream - 1/2 gallon kaya kong kainin sa isang upuan.
- Sisig 
- Hindi ako mahilig sa maanghang pero may mga pagkain na kahit maanghang eh nakakakain ako. Katulad sa Bali, most na pagkain nila dun ay maanghang pero masarap. Yung anghang niya eh sa simula lang pero kapag tumagal eh parang wala na. May mga pagkain kasi na puro anghang lang at meron din klase ng pagkain na tikim palang eh hindi mo na makain. Hindi smooth sa lalamunan kumbaga.
- Sabaw, mahilig kami sa ulam na may sabaw lagi. Kaya kahit isang mangkok lang ng sabaw at kahit anong ulam na ang kasama eh solve na. Makaka-dalawa o tatlong kanin na ako kasi tipid ako sa ulam. Mas matakaw ako sa kanin. 
- Seafoods ay hindi na ako masyado kumakain kasi nangangti yung dila ko. Though kapag prito medyo ok pa, yung may breading kasi yun ok pa. Makakain ko pa yun. Kung minsan eh depende.
- Hindi naman ako choosy masyado sa pagkain, kung minsan eh iba lang talaga ang hanap ko. Tipong totoong pagkain dapat. I mean full meal, carbohydrates talaga kapag gutom na gutom na para busog, hihi. Bawal magutom! ^_^ 

DRINKS
- Rootbeer, Cali, Sprite, Mango shake, Caramel Frappe (basta Caramel flavor)

MOVIES 
- Mahilig ako sa rom-com movies. Ayoko ng horror, minsan lang ako nakanuod dati kasi naiimagine ko siya pagtapos. So ayoko na siya maexperience ulit. 

American
- Cinderella the Movie 
- Nottinghill 
- Little Manhattan
- Maid in Manhattan
- Eat, Pray, Love
- The Voice

Korean
- Christmas in August 
- Ode to my Father
- Sassy Girl
- My Girl and I 

SERIES
- mahilig akong manuod ng Korean series pero ang favorite ko ay yung Coffee Prince. May mga Taiwanese at American din naman. Bibihira nga lang ang American kasi Grey's Anatomy at Glee lang ang pinanuod ko.