Saturday, January 2, 2016

Jan. 1 2016: My Bebe Love

Movie Critic: My Bebe Love 



This is it, napanood ko na siya. Speaking of My Bebe Love, ito na syempre rom-com so I was expecting na super funny siya kasi kasama na din ang bagong comedian na si Maine na mahilig magpatawa sa Kalyeserye plus kilig factor dahil kay Alden. So ito na nga.


AiAi Delas Alas and Vic Sotto

- compare sa previous movie nila na magkasama sila eh mas nakakatawa ito. Nasa punchline pa din kasi yan at script lalo na yung storyline. Yun ang isa sa tinitignan ko kapag nanunuod ako ng mga movies o teleserye. Dito, parang bumalik yung sobrang pagpapatawa ni Vic Sotto parang balik 90s lang kasi nung bata ako madalas din ako nanunuod ng palabas niya. Iba lang talaga kasi ang mga palabas nung 90s, may storya at sobra sa pagpapatawa. May mga palabas kasi ngayon na wala ng sense yung story puro patawa lang. Kumbaga, may kulang para mas gumanda yung palabas. So ito, mas nagustuhan ko yung kulitan tandem at punchline ng script nila dito. Edi hindi lang siya nakakatawa kundi sobra sa katatawanan.


Dagdag ko na ito:
Fave movie ko ni Ms. Aiai yung Tanging Ina. Lahat naman ng movie niya eh talagang nakakatawa pati na din kay Bossing Vic pero yung Tanging Ina ang da best lalo na eh yung tandem nila ni Ms. Eugene Domingo. Sana may movie ulit sila ni Ms. Eugene na magkasama sila. Katulad nung nag-guest si Ms. Aiai sa Celebrity Bluff last time sobrang nakakatawa sila. Si Bossing Vic eh yung Enteng Kabisote. Hindi man maikakaila na medyo magkahawig na sila ng papa ko at parehong nagpapatawa eh minsan parang pinapanood ko na yung papa ko, hahahaha. Tawag din sa papa ko eh Bossing kasi nga magkamukha sila nung binata pa yung papa ko, ngayon eh medyo na lang. ^_^ 

Maine Mendoza and Alden Richards

- syempre, alam naman natin na kapag nagsama na ang dalawa eh may kilig factor simula pa lang ng Kalyeserye. So dito, kahit siryoso yung ibang part ng scenes nila parang Kalyeserye feels pa din dahil sa kulitan nilang dalawa lalo na yung titigan at ngitian nila. Blooming ang mga mata at ngiti nila sa isa't-isa. Matindi ang chemistry nila kaya sobrang gusto ng karamihan na mahantong din ang dalawa sa simbahan.



Maine as an actress

- natural lang siya umarte parang nasa kalyeserye pa din siya. I mean, ang feeling eh hindi movie pinapanuod mo parang kalyeserye pa din lalo na kapag kasama si Alden. Kumbaga eh dun kasi nakasanayan makita sila kapag napapanood sila. Sobrang iba siya eh. Compare sa videos niya sa blog, dubsmash at ibang showbiz committments niya, eh hindi niya kailangan mag-effort ng bonggang-bongga para lang makita yung acting niya. Yun na yun eh, konting galaw eh, smooth lang. May mga artista talagang ganun. Yung kapag pinanood mo eh hindi mo makikita na kailangan niya mag effort pa ng bongga para lang masabing ang galing ng isang tao mag-act sa tv. Yun yung maganda sa kaniya, sanay siya sa harap ng camera na magdeliver ng gagawin niya. May iba kasi pagdeliver pa lang eh may sabit. Kung mas nagagawa niya sa mga blog videos niya at dubsmash yung magandang delivery ng pag-act sa camera eh mas gumaganda pa nung nasa movie na. Good thing din yung mga commercials niya at kalyeserye kasi parang mas natrain siya lalo sa pagdeliver ng acting niya. Mas nagdedevelop at mas lalong nagiging natural lang yung dating para bang hindi Maine ang nakikita mo kung hindi yung mismong character na pinapakita niya. Yun yung importante sa palabas eh, yung maipakita o isipin na mailabas mo yung character na hinahawakan mo. Kaya mas natural yung dating na para bang totoo na at hindi acting. Yun yung mas hinahanap ko din sa mga Korean movies o series na pinapanuod ko. Yung makita mo yung natural na acting ng isang artista para mas maganda siya panoodin. Kumbaga eh hindi pilit yung pagdeliver sa isang palabas kaya mas maganda panoodin. Advantage kay Maine yung sanay siyang humarap sa camera na go with the flow lang yung idedeliver niyang character. So I can say na sa susunod eh hindi lang siya pang best supporting actress kundi best actress na din soon sa magiging next movie niya.



Alden 

- habang nanonood ako parang nasa Kalyeserye lang tong si Alden kasi naman kung makatitingin at ngiti kay Maine eh ganun na ganun din. Lumalabas yung spark plus kilig feeling. Ang tao kasi kapag ngumiti eh mas iba kapag kinikilig o gusto yung taong nginingitian. Iba siya dito compare sa ibang movies niya kasi ito comedy. Most likely kasi ng palabas niya eh drama. So ito, comedy na may kilig factor pa. So siya, effortless na yung paglabas ng kilig factor dahil na din sa chemistry nila ni Maine sa Kalyeserye. Lalo na yung spark kapag nagsama na sila.



Over-all:

- maganda yung storyline, yung script lahat eh matatawa ka sa bawat punchline at kulitan, lalo na yung directing. Maganda siya. May iba kasing comedy na puro patawa pero hindi ko trip yung story. Kumbaga, ok naman siya as comedy film pero may kulang sa iba't-ibang aspeto. May ganun kasing klase ng palabas. Magaling din kasi yung director na si Jose Javier Reyes. Yung mga palabas niya eh madami akong nagustuhan lalo na ang pinaka-favorite ko sa lahat ay yung Kung Ako Na Lang Sana by Aga and Sharon. Ang palabas kasi hindi lang yan basta sa artista kundi buo yan. So, kung may kulang eh damay-damay na. Kaya kapag maganda ang script, storyline, acting, etc. eh bongga. Sobrang ganda ng kalalabasan ng palabas. So para sa akin maganda talaga yung palabas. Syempre, nakakabitin kasi may pahabol. Kaya may aabangan pa. ^_^kiki emoticon

No comments:

Post a Comment