Wednesday, June 14, 2017

Fave K-series (Jan-May2017)


Here’s my fave Korean series this January to May. Yung tipong uulit-ulitin mo dahil sa cast, storyline, at film locations. Kung minsan, depende sa mood ko kung ano ang gusto kong panuodin, hehe. ☺✌๐Ÿป
January – May 2017 Korean Series
KBS2 Mon & Tue 21:55
KBS2 Wed & Thu 21:55
MBC Wed & Thu 21:55
SBS Mon & Tue 21:55
SBS Wed & Thu 21:55
tvN Mon & Tue 23:00
  • Sensitive Boss / Introverted Boss / Shy Boss
    ๋‚ด์„ฑ์ ์ธ ๋ณด์Šค
tvN Fri & Sat 20:30
  • Goblin
    ์“ธ์“ธํ•˜๊ณ  ์ฐฌ๋ž€ํ•˜็ฅž-๋„๊นจ๋น„
  • Chicago Typewriter
    ์‹œ์นด๊ณ  ํƒ€์ž๊ธฐ
OCN Mon & Tue 21:00
OCN Sat & Sun 22:00
JTBC Fri & Sat 20:30

Tuesday, June 13, 2017

Why I Love Korean series?


Most of my close friends know how much I love watching Korean series. Lately, nauso ang salitang “kinain ka na ng sistema” which means, Korean drama/series. I hate it when people said it to me. Why? I don’t know pero honestly, medyo naiirita ako because I’m watching it since grade school. Yet it all started from Taiwanese series, Meteor Garden. So, I also have my favorite Taiwanese series. Lately lang mas dumami ang nanuod ng K-drama dito sa Pinas. I don’t know why pero siguro dahil na din sa sumisikat ang K-Pop dito.

Going back to Korean drama, I like how they make the story, actors and film locations/sites. Stories are not just all about love but it is also about the role itself. For example, if the role is a doctor, they show how the job is done. Kumbaga, hindi lang siya basta nakasuot lang ng uniform. Minsan after kong panuodin yung series, pinapanood ko din yung behind the scenes kung paano sila mag-shoot ng palabas. Also, kung paano nila nagawa o nabuo yung story. Kung historical siya, paano nila nakuha yung information or kung paano nila ni-research about dun sa story. Hindi lang siya basta palabas. It’s also about learning the history, culture, and seeing the beauty of their country. Yun yung isa sa mga dahilan why I love to watch Korean series. Ang maganda pa sakanila ay yearly during drama awards ng per stations ay ipinapakita na nila yung trailer ng next series for the following year. Kaya alam na nila yung mga upcoming series. Most likely, bibihirang maulit sa isang project yung naging partner nila sa isang series/movie kaya may iba’t-ibang chemistry. So, hindi siya nakakasawang panuodin kasi iba-iba yung partner nila at yung concept ng story. Yun ang difference sa kanila. Kung minsan, hinahanap ko yung series or movies ng fave actors ko.

Ang nakakatuwa din sa mga actor sakanila, minsan nagbibigay sila ng gift like food truck sa film location ng isang friend nilang actor as part ng support. Pwedeng naging close nila sa isang drama/movie or magkapareho sila ng agency. Sometimes, surprise visit sa fan-meeting ng fellow actor or giving flowers as congratulations sa new project. That’s how they give support sa fellow actors nila.

Here’s my January - May 2017 Korean series:
KBS2 Mon & Tue 21:55
KBS2 Wed & Thu 21:55
MBC Wed & Thu 21:55
MBC Thu 23:10
SBS Mon & Tue 21:55
SBS Wed & Thu 21:55
tvN Mon & Tue 23:00
  • Sensitive Boss / Introverted Boss / Shy Boss
    ๋‚ด์„ฑ์ ์ธ ๋ณด์Šค
  • The Liar and His Lover
    ๊ทธ๋…€๋Š” ๊ฑฐ์ง“๋ง์„ ๋„ˆ๋ฌด ์‚ฌ๋ž‘ํ•ด
tvN Fri & Sat 20:30
  • Goblin
    ์“ธ์“ธํ•˜๊ณ  ์ฐฌ๋ž€ํ•˜็ฅž-๋„๊นจ๋น„
  • Tomorrow with You
    ๋‚ด์ผ ๊ทธ๋Œ€์™€
  • Chicago Typewriter
    ์‹œ์นด๊ณ  ํƒ€์ž๊ธฐ
OCN Mon & Tue 21:00
OCN Sat & Sun 22:00
JTBC Fri & Sat 20:30
Webcast: All Days and Times
  • Seven First Kisses
    ์ฒซ ํ‚ค์Šค๋งŒ ์ผ๊ณฑ๋ฒˆ์งธ

Tuesday, May 2, 2017

25 Years


25 Years
Celebrated my 25th at Boracay
Annyeonghasaeyo! Namiss ko ito. Busy lately. Super dami ko ng maisusulat. Super daming nangyari. Celebrated my 25th sa Boracay, ang dami kong narealize nung gabing nasa tabing dagat ako nung first night sa Boracay. I was thinking, "Hindi ko pa natutupad yung dream kong magkaroon ng sarili kong coffee shop. 25 na ako, anong nangyari sakin after college. Dapat nung 23 pa ako meron nun. Yet, I am here doing nothing."

Las Vegas, Los Angeles, Seoul
I am travelling to different countries and had ideas about the business I want. Siguro this time kailangan ko ng paghandaan ito. I want a job na alam kong gusto ko talaga at masaya ako sa ginagawa ko. During OJT days sa tatlong section na ginawa ko, sa Food Service ako mas nag-enjoy. Sa Microtel, kahit na maaga ang pasok ko at madaming gagawin sa umaga dahil breakfast buffet, na enjoy ko siya. Lalo na yung mga customers na chinichika ka nila habang nag-seserve ka sakanila. Tatanungin nila kung saan ka nag-aaral kasi alam nilang OJT ka. Yung mga customer na parang ayaw kang umalis para kausapin mo sila tapos sa huli magbibigay ng tip kasi nagustuhan nila yung service mo. After college sabi ko, "Iba talaga kapag food service. Mas masaya siya para sakin. Doon talaga ako mas nag-enjoy pero mas gusto ko kung sarili ko ng coffee shop yung imamanage ko."


Coffee Prince cafe at Hongdae, Seoul Korea
A few months ago, I was researching the things I wanted to do. I was researching what job do I really want. What am I really wanted to do? Doon ako nag-research. Nag-research ako sa mga bagay na ginagawa ko or mga hobby ko like photography, food, travel, arts, etc. Yet, in the end sa food business ako bumagsak. I tried to check yung mga gusto kong gawin kapag nagkaroon ako ng business about food. What kind of food business? Where I want to put the business? Etc...


My own travel photos: Jamae Photography
Kaya nung gabing nasa harap ako ng dagat tinanong ko sarili ko, "Ano ba talaga ang gusto kong gawin?" I end up, "Magtayo na kaya ako ng coffee shop." Why? Because I enjoy it. I love the coffee aroma. Yung atmosphere iba. Yung tuwing nagpupunta ako sa mga coffee shop, I always think, "Sana meron na din akong ganito." I even observe the place. Like, "maganda yung interior, masarap yung coffee, simple pero maganda yung lugar, etc." It always comes on my mind kapag nasa isang food establishment ako. Sometimes I even think na, "Kapag nagtayo ako ng sarili ko, ano kaya magandang interior design? Ano kaya ang name ng shop?, etc".

Sometimes people asked me, "Kailan na namin matitikman ang coffee mo? Kailan ka na magtatayo ng sarili mong coffee shop? Etc." Sometimes may pressure din for some reasons. This time, kailangan ko ng mag-take ng actions para mangyari siya. This time may goal na ako. Kung minsan pati boyfriend pressure din, hahaha! Now I know why people will ask you about your relationship status when you reach 20+. Sometimes, they even think na I'm still in college, hehe. When you reach 20+, iba na ang takbo ng mundo mo. Puro working na ang mga kasama mo. Usapang work, lovelife, plans, travel, future, etc.


Soon, may kasma na ako, hehehe. 
Kung minsan hindi pa ako sanay sa tanong na, "May boyfriend ka na?" But my answer is always the same, "Wala pa po. NBSB po. May hinihintay po." Their reaction was, "Talaga? Wala ka pang-boyfriend? Etc." Kung minsan ang sagot ko, "Kapag meron na po akong kasamang iba sa profile pic ko po, yun na po yun, hahaha!" Ang sagot eh, "Sige, aabangan ko yan." Hahaha! Inaabangan ko din po yun, hehe. Darating naman kung darating talaga. Sa ngayon, eh wala pa talaga. Soon eh kapag dumating siya, edi masaya. May travel buddy na ako, hihi. So dapat adventurous din siya para masaya. Katulad ni Park Bo Gum my love, hehe.






Kapag dumating na yung time na natupad na yung goal ko na magkaroon ng sarili kong business, yung dream house naman ang next. Yung magkaroon ako ng sarili kong bahay malapit sa beach. Tipong Gold Coast ang dating. So, Batangas ang mas malapit kasi doon ang may white sand beach. Sa ngayon, need ko muna mag-focus sa coffee shop ko.


Gold Coast, Australia

Sunday, January 8, 2017

Types ng Adventure



Types ng Adventure

Malapit na naman ang summer. Karamihan niyan ay mag-aaya ng trip. Kaya ito, anong klaseng adventure kaya ang karamihan? Sila ba ay solo, travel buddy, o group?

Types ng Adventure
1. Solo Adventure - ikaw lang talaga, solo nga eh, hahaha!
2. Travel-Buddy Adventure - bestfriend/buddy, couple/lover
3. Group Adventure - family, friends, workmates, mahilig sumama sa groups, etc.
Sa mga types na yan, meron advantages at disadvantages.

1. Food/Transportation
a) Solo - gastos mo lahat.
b) Buddy / Group - pwede mag-share. Unless, choosy yung ka-buddy mo o madami kumain. Eh KKB ang mangyayari. Hahaha!

2. Itenerary
a) Solo - lahat ng gusto mong puntahan ay go lang. Hawak mo yung oras mo kung gaano katagal sa isang lugar. Pwede mong icancel yung isang lugar kasi walang magsasabi sa iyo kung saan ka susunod na pupunta.
b) Buddy - pwede kang maging-considerate sa kasama mo. Unless ay wala talaga siyang idea sa lugar, so ikaw ang magdedecide ng itenerary niyo. Kung may gusto man siya ay titignan niyo pa din kung kakayanin ng oras at budget.
c) Group - madaming gustong puntahan pero konti lang ang oras. Kaya dapat naka-set ang time at lugar para alam mo kung gaano katagal sa isang lugar. Kaya dapat naka-ayos ang itenerary para walang ma-miss na lugar. Madami din mag-shashare ng ideas na magandang puntahan o gagawin.

3. Picture Taking
a) Solo - karamihan ay selfie at nature/places pero yung iba may sariling tripod o monopod para may mas maayos na shot kahit solo pic.
b) Buddy - both ay pwedeng mag-exchange sa pagpicture. Syempre kaniya-kaniyang selfie din.
c) Group - kadalasan dapat may group pic kaya may taga-picture. Kung minsan para kumpleto lahat ay may tripod o may magpicture para sa group. Meron isa o dalawa na taga-picture sa lahat ng naging activities. So yung iba ay hihingi na lang ng copy.

- credits to the owner (pic above: Drawing by Travel Thoughts.PH)

4. Drawing - ang nauusong salita para sa mga lakad na biglang hindi natutuloy o sadyang hindi natuloy at para sa mga hindi sumama o nakakasama.
a) Solo - bibihira maging drawing kasi kadalasan natutuloy. Unless, masama talaga ang panahon o wala ng budget. Kung minsan ay tinamad lang.
b) Buddy - nagkaroon ng lakad sa iba. Kung minsan ay nalimutan na may lakad kayo. Nagplanong umalis pero lahat na lang ng gawin decision para sa lakad ay hindi na kayo nagtugma. Ayun, cancelled na lang. Maghanap ka na lang ng iba na pareho kayo ng gustong mapuntahan at activity.
c) Group - kapag wala yung isa, eh cancelled na. Kung minsan naman ay may taong siya ang mag-aaya ng lakad pero siya mismo ang wala. Kung minsan naman, complicated ang schedule ng lahat kaya hindi na lang tinuloy. Yung iba, go pa din kahit may mga nag-backout na sa trip. Kaya yung mga wala eh nainggit na lang sa picture dahil hindi sumama o nakasama.

Ikaw, anong Adventure ang gusto mo? O anong klase adventurer ka? Higit sa lahat, anong drawing ang madalas mong gawin? Hahahahaha! Out of the blue writing.... para sa mga lakad na nagiging drawing, hehehe. Mag-drawing na lang ako ng Beauty and the Beast mamaya. Enjoy! ๐Ÿ˜Š
Enh Enh

Friday, July 15, 2016

Imagine You and Me



Imagine You and Me



"That's what travelling is all about. You learn, make memories, eat, pray and love." - Jamae 


Hahaha, epekto ng pagnuod ng Eat, Pray, Love by Julia Roberts bago makanuod ng Imagine You and Me.

Ok, this is it. Napanuod ko na. Here's what I was thinking about the movie. 

Everything is nice. The place/ambience, story line, script, movie production and the actors. 

Yun na... Joke! Seriously, ahm, its nice. Maganda yung story kasi kakaiba siya sa ibang Pinoy love story na napanuod ko. Ito na ata ang isa sa nagustuhan kong Pinoy movie kasi kadalasan na gusto ka ay mga 90's movies like Jolina-Marvin movies, Sharon C. movies, Regine V. movies, etc. Kadalasan mga nagustuhan kong storyline ay mga nakaraan pa. Ngayon lang ako ulit nakapanuod ng Pinoy movie na masasabi kong uulit-ulitin ko. Yung kasama na siya sa list ng "All-Time Favorite Movies" ko. 

Most likely, kapag nanunuod ako, dun ako sa story mas nag-aabang bago yung lugar/ambience, actors, etc. Dun kasi makikita kung mas magiging interesado akong panuodin siya hanggang sa matapos. Yes! Honestly,  may mga movies akong napanuod na hanggang kalahati lang siya or 1/4 palang ay hindi ko na siya tatapusin kasi boring na para sakin.

So, ito na nga. Maganda yung storyline ng movie. Yung feeling na parang A Walk To Remember or mala-Nicholas Sparks ang dating ng movie. Yung mas lalo kang maeengganyo manood kasi mas masasabik kang matapos siya. Ganun yung feeling then masasabi mo sa huli na, "Ang ganda ng movie. Ang sarap sa pakiramdam." 

Everything is nice. First part palang eh tinamaan na ako. I mean, dun sa first part super relate, haha! Pero siyempre, dun sa Italy moments wala pa naman. Baka na-delay lang din sa customs yung love-life ko, haha! Well, may mga ganun talaga. Kapag alam mo ng hindi kayo meant to be, nag-travel lang din siya para magkatagpo kayo, hahaha! Masubukan nga baka nasa ibang bansa lang siya, haha! Ganun talaga, habang nag-travel, iba-iba ang adventures. Sa bawat adventure na yun baka sakaling dumating din siya, hahaha! Let's see. 

Okay, going back. Syempre, given na yung place. Italy, very romantic talaga ng lugar na yan pero kapag kasama mo ang taong mahal mo sa kahit saan parte pa ng mundo, ang mahalaga ay yung memories na meron kayo at yung mga masasayang adventures na nabuo. Yun pa din ang mas masaya sa pakiramdam. 

Speaking of Alden and Maine, syiempre yung chemistry nandun pero yung closeness nila eh iba na. I mean, compare sa first movie nila. Ito, eh mas malalim. May understanding na kumbaga kasi yung ilangan eh wala na. Kumbaga mas natural ng tignan. Wala ng naka-ipit. 

Si Maine, more acting workshop pa pagdating sa drama. She's good pero kapag nasanay na siya eh mala-Regine na din ang acting niya or any good Filipino actors na din. Ok naman siya eh, more on comedy pa din talaga siya unlike Alden kasi sanay na si Alden sa drama. Kapag nagkataon eh mas may balance na yung acting ni Maine. I mean, mas mailalabas pa niya yung galing niya sa acting.

So, everything is nice about the movie. Lalo na yung place kasi very calming siya. Sobrang sarap tumambay sa ganun lugar. Waley eh, Manila Bay lang malapit dito, hahaha! Hanggang sunset ng Manila Bay lang ang gusto kong pagmasdan lagi. Bonus na dun yung fireworks sa Mall of Asia, hahaha. So ayun na nga, "Thumbs up"... Maganda yung movie. Hopefully, soon na Pinoy movie eh ganito din kaganda. Yung babalik-balikan mo kasi ang sarap sa feeling. Ang sarap sa feeling ng nagmahal ka pero mamahalin ka din pabalik. Echos! Hahaha! Yung ngiting tagos sa bone marrow! ☺️

Napansin ko, hindi pinatugtog sa pinaka-ending yung theme song nila na Imagine You and Me kasi kadalasan kapag ending ganun. Yung buong kanta ng theme song ang pinapatugtog. Ok lang, atleast maganda pa din yung ending. Yung inaabangan talaga ng karamihan. ๐Ÿ˜Š

Last thing:

Yung scene nila sa IYAM, itong pic ko with Alden ang naalala ko, hehe. ๐Ÿ˜




Monday, April 4, 2016

Disconnect and Reconnect

                                                                   
                                                 Disconnect and Reconnect


One thing I just realized last night, about disconnect and reconnect. What are the things you need to disconnect  and reconnect?

People nowadays are always serious about work and things that made them feel stress. Example, weekend pero yung work mo na hindi natapos nung weekdays ay kailangan mo pang gawin ng weekend. So hindi ka nakapagpahinga ng maayos kakaisip sa work stuffs. Pagdating na ng Monday, another work stuffs to do. It means, another stressful week. 

Some people go to coffee or tea shops to do another work stuffs. If dati, pupunta ka lang sa coffee shop to buy a drink and relax. Sometimes, meetings. Nowadays, yung mga tao ay pumupunta na lang sa coffee or tea shops para mag-charge ng laptops/any gadgets para sa work or even school stuffs nila at makiki-wifi din. Kung minsan nakikita ko eh sa McDo ang takbuhan kasi may free WiFi lalo na sa mga estudyante o nagtitipid.

What if kung yung mga shops ngayon ay walang wifi at may nakalagay na note "DISCONNECT to stressful stuffs and RECONNECT with your love ones. Carpe Diem! Enjoy your stay!" Or any good note kasi yung mga tao ngayon masyado ng busy. Though may nabasa na ako na note na ganito, "No WIFI, talk to each other". Kaya kahit na may kasama ka para magbonding kayo pero yung kasama mo naman ay busy sa work stuffs eh nababawasan yung time para makapag-bonding at magrelax. People nowadays, ay parang nagiging office or school na din ang mga coffee or tea shops. Yun kasi yung mas common place na puntahan ng mga tao kapag may gagawin errands about work or school stuffs kapag nasa labas ng bahay, office or school. Imbis na magrelax ka eh dun mo tinutuloy yung pagiging stress mo. Gagawin mo pa din sa labas yung trabaho mo kasi workload ka. Kaya madaming tao na stress dahil sa trabaho o school stuffs nila.

Bakit hindi ka mag-relax kapag nasa labas ka na ng work o after ng mga gagawin mo? Yun nga lang kung minsan kahit nasa labas ka na at may kasama kang iba ay trabaho pa din ang nasa isip. Workaholic! Tsk, tsk. Masama sa kalusugan yan at kung minsan nakakasira din ng relationship. Kasi kung minsan imbis na yung taong kasama mo ay nakakapag-bonding kayo sa isang lugar or having fun eh busy naman yung isa mong kasama sa phone calls, emails or work stuffs eh parang kasama mo siya pero pinapanood mo lang siya sa ginagawa niyang ibang bagay. That's the problem. Nawawala yung tunay na bonding time. 

So minsan kailangan mong mag-DISCONNECT to RECONNECT. CARPE DIEM! ^_^ 

Isang example din yung sa Nestle, "Unplugged" | Kasambuhay Habambuhay Short Film Anthology | Nestlรฉ PH

https://www.youtube.com/watch?v=CQzprlJYWvc


Saturday, March 19, 2016

What If

What If


Sa buhay, dumarating talaga yung time na magtatanong ka sa sarili mo ng bakit. May mga oras na magtatanong ka na lang ng mga bagay-bagay. Kung minsan may doubts kang mararamdaman. Madalas maitatanong mo na lang ito kapag natapos na yung mga pangyayari. Madalas nasa past na at maitatanong mo ang salitang "What if..." 

Madalas itong mangyari sa mga bagay na pilit mong itinatanong kung bakit kailangan mangyari ang isang bagay kahit na meron ka naman magagawa para may magbago. 

Paano na lang kung itong tanong ay para sa taong naging espesyal sa buhay mo? Yung taong, minsan hindi mo inisip na maaaring mawala sa buhay mo. 

Yung mga salitang laging gumugulo sa isipan mo na pilit mong paulit-ulit na iniisip at hinahanap ang kasagutan.

What if kung nung panahon kailangan niya ako ay nasa tabi niya ako para damayan siya?
What if kung nung minsan hinanap niya ako ay pwede ko siyang mapuntahan ay hindi siya naghanap ng iba? 
What if kung nung mga oras na nararamadaman kong may mali ay dapat kinausap ko siya agad?
What if kung nung una palang ay gumawa na ako ng hakbang para walang nagbago sa kaniya at hindi siya napunta sa masama? 
What if kung nung minsan sinabi niya sa akin na gusto niya akong makasama dahil nalulungkot siya maaaring ngayon ay walang nagbago?




What if kung hindi ka nagbago, may chance na kasing gwapo mo na din ngayon si Ryan Reynolds? Alam mo kung bakit? Kasi sa kahit anong anggulo ng mukha niya, masaya man o galit, ikaw pa din ang nakikita ko kasi may pagkahawig kayo lalo na yung figure ng mukha. Kung minsan kapag natulala na lang ako sa wallpaper ko, iniisip ko na lang na ikaw na lang sana ang kasama ko sa picture katulad ng picture namin ni Alden.


Maaaring ngayon ay ikaw pa din ang lagi kong kasama sa mga camps na napupuntahan ko lalo na yung madalas natin gawin.
Yung kasamang gagala sa labas katulad ng ginawa natin sa Tagaytay.
Ikaw pa din ang kasama ko buong araw at gabi na kausap at kakulitan.
Ikaw pa din ang kasama kong mag-almusal kasi magtatampo ka kapag hindi kita ginising.
Ikaw pa din ang kasama ko sa pagpuyat at pinagmamasdan ang mga bituin sa ulap.
Ikaw pa din ang kasama kong kumain ng noodles at uminom ng kape.
Yan ang madalas natin gawin sa mga camp na halos hindi na tayo mapag-hiwalay. Todo gala at kulitan.

Kung minsan naiisip ko yung mga panahon alam mong hindi kita kayang puntahan ng basta-basta dahil malayo tayo sa isa’t-isa para damayan ka tuwing kailangan mo ng kasama, makakausap at higit sa lahat ay tuwing sinasabi mo na sana nandiyan ako sa tabi mo. Nung mga panahon na yun ay wala akong nagawa dahil nasa magkabilang lugar tayo at mahirap magtugma ang mga oras natin para magkausap.

What if kung nangyari na lamang ito sa panahon ngayon ay sa lahat ng pagkakataon na pwede tayong magkita ay ginawa ko para lang maramdaman mo na lagi akong nandito para sa iyo? 
What if kung alam mo lang na masakit din para sa akin na nagbago ka kahit alam mo ang dahilan? 
What if kung nung una palang ay alam mong handa akong saluhin ka kapag kailangan mo ng karamay? 

Gaano man kadami ang mga nangyari, hindi naman magbabago na naging espesyal ka sa buhay ko.
Gaano man kalaki ang pinagbago mo ay hindi ka mawawala sa mga panalangin ko. 
Kahit na parang imposible ang isang bagay para sa akin walang imposible na maaaring maibalik ang nakaraan kung saan doon kita nakilala kasi patuloy pa din akong magtitiwala sa Diyos at lagi kitang isasama sa mga panalangin ko. 
Hindi man ikaw yung taong makakasama ko habang buhay kahit sa simpleng maibalik lang yung kung ano ka dati at kung ano ang meron tayo noon, masaya na ako para sa iyo.

Masaya akong masagot ang isa sa mga matagal ko ng ipinapanalangin para sa iyo. Masaya ako na makikita kitang nagbago ka dahil yun ang tama at dapat. Masaya akong magbabago ka para sa ikabubuti mo at para na din sa magandang kinabukasan mo. Yun na yung isa sa magandang mababalitaan ko tungkol sa iyo kapag nangyari yung mga yun. Isa na ako sa pinaka-masaya para sa iyo kapag yung matagal ko ng panalangin para sa iyo ay sinagot na ng Diyos. Kapag nangyari yun, hopefully ay continuous na din yung good changes na yun.


Hindi man kita nakakasama ngayon, ang mahalaga pa din sa akin ay okey ka kahit na “Everything Has Changed by Ed Sheeran and Taylor Swift” ang dating ng theme song natin ngayon. Darating din yung time na may answers na sa mga tanong na yun. Malalaman ko yung purpose nun. Kagaya nga ng kasabihan, “Everything has a purpose.” So, I’m just here always praying for you and waiting for the answer.