Wednesday, December 2, 2015

Lakbay Nakaraan sa Bataan


Lakbay Nakaraan sa Bataan





                Balikan ang nakaraan sa Bataan. Maliban sa Fort Santiago at Vigan, ito ang isa sa magandang puntahan kung gusto mong balikan ang dating Maynila. Kay sarap balikan ang ganda ng Maynila noon at pakiramdam mo ay nasa isa kang pelikula ni Rizal na pinagmamasdan mo ang paligid. Kay sarap makita ang sarili mo na para kang naglalakbay sa nakaraan. Naiisip mo kung gaano kaganda ang Maynila noon at para kang nagpunta sa Spain dahil sa mga disenyo ng paligid na may halong Pilipinas. Iba talaga ang Pilipinas dahil sa dami ng sumakop sa ating bansa lalo na ang mga Espanyol, may mga naiwan silang kultura sa atin na ginagamit pa din natin hanggang ngayon. Kay sarap puntahan ang iba’-t-ibang lugar ng Pilipinas katulad nitong Bataan lalo na kung gusto mong maranasan ang pakiramdam na nagpunta ka sa panahon ni Rizal. Ang problema ay unti-unti ng napapabayaan ang likas na kagandahan ng ating bansa katulad na lamang sa likas na yaman ng ating sariling kultura. Katulad na lamang ng ating pag-aaral ng sarili nating lenggwahe dahil mas pinapangahalagahan ng maraming eskwelahan ngayon ang Ingles. Kung minsan kahit Tagalog ay hindi na kayang bigkasin ng mga bata ngayon at mas alam nila ang Ingles kaysa sa sariling atin. Nakakalungkot isipin dahil kahit mismo ang ating gobyerno at mga eskwelahan ay hindi na binibigyan ng halaga ito. Dapat mas binibigyan pansin din ang pagbibigay halaga sa atin kultura at mas pinagtitibayin ito upang maibahagi din ito sa mga susunod na henerasyon. Katulad na lamang ng ginagawa ng bansang South Korea, Japan, at marami pang ibang bansa na ipinapakita nila ang halaga ng sariling kultura ng kanilang bansa at inaalagaan nila ito upang maibahagi din ito sa iba. Sa aking paglilibot napansin ko na kung sakaling binigyan ng halaga ng ating gobyerno ang kultura natin at walang corruption maaaring mas maganda at malinis ang Pilipinas ngayon. Maaaring mas madaming turista ang pumupunta sa ating bansa at higit sa lahat ay isa sa mayamang bansa ang Pilipinas. Kay ganda ng ating bansa ngunit hindi lamang nabigyan ng halaga at naingatan. 





More photos:
https://www.facebook.com/jamaelukbanphotography/
https://www.facebook.com/media/set/?set=a.488742864644740.1073742029.262627053922990&type=3

Friday, August 14, 2015

Travelling is Like First Love






Travelling is Like First Love


Bakit nga ba first love? First love kasi yan ang pinakasweet sa lahat kasi dyan mo maeexperience yung mga first memories. Every first is a sweet feeling kasi yan yung exciting lalo na kung yung taong yun ay siya na din ang last mo. Katulad ng travelling sa iba't-ibang lugar o bansa. Laging nandun yung excitement lalo na kapag first time mong pupunta sa lugar na yun. Yung gagawin mong adventure ay halos lahat ay first time para sa iyo kaya sobrang memorable katulad ng first love. 







ACCEPTANCE
Kapag nag-travel ka na at gusto mo yung pupuntahan mo, hindi ka mag eexpect ng sobra kahit na ano pang klaseng lugar iyon ay tanggap mo. Garden, beach, city, etc. lahat yan ay para sa iyo ay maganda kahit simple lang siya tignan sa iba.
Kapag nagmahal ka, hindi ka mag-eexpect ng sobra sa tao kasi kahit ano o sino pa siya ay tanggap mo yung buong pagkatao niya. 






APPRECIATION

Maganda man o pangit ay maappreciate mo pa din yung lugar kahit na maliit o malaking bagay. Katulad sa pagmamahal, maliit o malaki man ang ginawa niya ay ipaparamdam mo pa din na naappreciate mo yung mga bagay na yun. Pinaparamdam mo na sa mga effort na ginagawa niya ay napapasaya ka niya. 




MOMENTS / MEMORIES

Sa bawat lugar ay mahalaga para sa iyo. Bawat lugar na napuntahan mo ay may istorya na nakatago at sa likod nito ay mahalaga yun. Sa bawat oras na lumilipas ay pinapahalagahan mo kasi maaaring hindi na maulit yun o hindi na mababalikan pa. Kaya sa bawat adventure ay memorable kahit sa maliliit na bagay ay may masaya ka.

Sa bawat firsts na dumating sa buhay niyo o ginawa niyo ay memorable lahat. Simula sa una kayong nagkita, nag-usap, at marami pang iba na ginawa niyong dalawa. Kahit mga simpleng pagbati lang niya ay masaya ka na. Gaano man kaliit ng ginawa niya ay may halaga sa iyo at memorable yun sa iyo. 




INVESTMENT

Travelling needs more preparation. Syempre kailangan may budget ka. Kaya dapat pag-ipunan, planuhin maigi kung ano yung klaseng adventure ang gusto mo at kung sino ang gusto mong kasama. Dapat ay sure ka sa date, weather, at safety ng lugar. Dapat nandun yung willingness mo na maexperience ang iba't-ibang klase ng adventure kasi kapag napipilitan ka lang hindi ka masaya.

Katulad sa first love, dapat may trust, open sa isa't-isa at higit sa lahat ay acceptance as a whole. Hindi ka naman magmamahal kung ang gusto mo lang ay yung panlabas na aniyo lang. Syempre nagmahal ka dahil siya yung gusto mong makasama habang buhay. Minahal mo siya kahit sino o ano siya at tanggap mo yun. Hindi ka naman nagmahal para lang sa experience. Nagmahal ka dahil gusto mong may makasama ka habang buhay. May mga tao kasi ngayon na sinabi nilang nagmahal sila pero panandalian lang.






SEPARATION ANXIETY
Ito yung feeling na kapag aalis ka na sa lugar na nagpasaya sa iyo. Yung feeling na paalis ka palang ay nararamdaman mo ng gusto mong balik-balikan. Mararamdaman mo yung lungkot pero masaya pa din dahil sa mga memories na meron ka sa lugar na yun. 

Sa love, ito yung kapag uuwi na siya o kailangan niyang umalis pero masaya ka pa din kasi magkikita pa din kayo pagtapos ng ilang oras, araw o linggo na hindi na kayo nagkasama. Alam mong babalik siya at magkikita kayo ulit. Darating yung oras na makakasama mo ulit siya. 

Friday, March 13, 2015

YEAR 2009

March 13, 2015, Friday


YEAR 2009

              Dati nung bata ako kapag sinabing camp, exciting kasi may swimming at puro laro kasama ng mga kaibigan. Ngayon, iba na lalo na nung nangyari yung tatlong araw na nakasama ko yung isang taong hindi ko pa lubusan kilala. Kilala lang sa pangalan at minsan lang makausap pero dun nagsimula ang lahat. Kaya kapag sinabing camp, isa na yun sa mga bagay na mas naaalala ko. Dun ko siya sinubukan mas kilalanin at samahan. Yung tipong hindi mo alam kung anong gagawin mo kasi baka naiinip na siya o hindi mo alam kung ano ang gusto niya. O baka nabobored na siya kasi wala kayong magawa kapag free time kundi samahan lang siya kung saan mapadpad ang mga paa niyo. Yung hindi mo alam kung anong topic ang magandang mapag-usapan. Ganun yung pakiramdam kasi first time mo lang makasama yung tao. Dahil isa na din siya sa bisita ay dapat mo din alalayan. Minsan nakakahiya pero habang tumatagal ay gumagaan din ang loob ko para bang ang lapit ng loob ko agad sa kaniya. Yung hindi mo inakala na magagawa mo yun sa isang tao. Yung hindi mo inakalang magiging malapit ang loob mo sa kaniya at magiging parte ng buhay mo. Hindi nagtagal, sa mga lumipas na panahon ay isang munting alaala na lang siya dahil dumarating talaga sa buhay natin na umaalis o nawawala din sila. Kaya ang maiiwan na lamang ay ang mga magagandang alaala na meron kayo nung mga nakaraang panahon.

                Kaytagal na pala. Madaming panahon na palang lumipas. Madaming panahong nasayang. Madaming panahong nabigo. Madaming panahong ng lumisan kaya natuluyan na lang nawala. Kaya sa huli ay bumigay na lang at nawalan na ng pag-asa kahit na alam mong mahalaga pa din siya sa iyo. Kung pwede lang bumalik sa nakaraan, yun ang isa sa mga gusto kong balik-balikan kasi yun ang simula ng lahat. Dumarating talaga yung panahon na kahit gaano mo katagal ng kasama o kakilala ang isang tao ay meron pa din misunderstanding, tampuhan, o mga bagay na hindi mo inaasahan na mangyayari. Kaya sa paglipas ng panahon ay unti-unti din lumalayo ang loob niyo sa isa't-isa. Kahit na minsan sinabi mo sa sarili mo na gusto mo siyang makasama ng matagal o kahit gaano man kalayo ang lugar ay may komunikasyon pa din kayo. Yung kahiit sa mga simple o maliliit na bagay ay pwedeng lumaki para masira yung magandang pinagsamahan niyo. Araw-araw naiisip mo yung mga bagay na yun. Anong gagawin mo kapag nagkakasalubong kayo? Kapag masyado kayong malapit sa iisang lugar. Kapag nanidyan siya sa paligid. Kapag nasa iisang sasakyan kayo. Ang awkward naman hindi ba? Yung tipong nasa iisang kotse kayo tapos walang kumikibo ni isa sa inyo. Yung hindi mo alam kung ano ang iniisip niya tapos kinakabahan ka nab aka bigla kaniyang kausapin. Lalong awkward at nakakakaba. Para bang hindi ka na sanay kapag nandiyan siya. Samantalang dati ay halos 24 hours na kayong magkausap. Puro kulitan at kwentuhan na para bang walang bukas. Walang sawang kamustahan na parang antagal niyong hindi nagkita. Kulang na lang ay magpunta na lang kayo sa isang lugar para magkita na lang at dun mas masaya ang pag-uusap at bonding. Halos lahat sa isang iglap ay naglaho ng parang bula. Parang hindi niyo na kilala ang isa’t-isa. Para bang hiya ka ng banggitin ang pangalan niya o nahiya ka ng magkita kayo sa iisang lugar. Nawala na yung masasayang kwentuhan, bonding at sabik na pagkikita. Isa na lang siyang alaala sa mga scrapbook kung saan dun nakalagay yung mga memories na meron kayo. Sa sobrang dami niyong sinubukan ayusin ang lahat ay bumigay ka na lang. Give up na. Napagod na. Wala ng nag-effort na magiging magkaibigan pa din kayo. Kaya kapag nagkikita kayo o nasa iisang bubong kayo ay parang balewala na lang kayo sa isa’t-isa. Parang hindi niyo na kilala ang isa’t-isa. Kaya sa bawat araw na lumilipas, masakit man siyang isipin, unti-unti mo na lang tinatanggap na wala na siya. Unti-unti mo na lang hinuhukay sa isip mo na alaala na lang talaga siya. Kaya kahit magkita man kayo ay parang wala kang nakita o hangin lang napadaan.

                Kaya sa buhay natin ay may mga tao talagang dumarating at lumilisan. May mga taong tumatagal at habang buhay natin nakakasama. May mga taong kahit na lumisan na ay hindi natin magawang makalimutan. May mga taong kahit na gaano sila kalayo ay gumagawa tayo ng paraan para nararamdaman natin na nandiyan lang sila sa tabi natin. May mga tao na kahit bumaliktad man ang mundo ay mahal pa din natin sila. Kaya sa bawat araw na nandiyan sila ay isipin natin na mahalaga ang bawat memories kasi hindi natin alam kung hanggang kalian natin sila makikita o nasa tabi nila. Darating ang araw na magigising tayo na wala na sila kahit gustuhin mo man silang makasama. Pamilya, kaibigan o someone na special sa iyo ay may parte sa buhay. Mahirap dumating yung panahon na hindi mo man lang nagawa kung ano yung matagal mo ng gustong gawin noon na ngayon ay huli na pala. Hindi mo na maibabalik kung ano yung nawala na. 


Tuesday, February 24, 2015

15 Years of Waiting





15 Years of Waiting


Madaming nagtanong sakin kung ilang taon ko na hinihintay si Mr. Guy. Sabi ko, 15 years na. Madaming nagsabi na bakit ko pa siya hinihintay at hanggang kailan ko siya kayang hintayin. Bakit nga ba at bakit umabot ng ganun katagal? Love na nga ba ang tawag dun o crush lang talaga?

Love, madaming nagsasabi na masarap magmahal pero mahirap masaktan. Yes, emotionally totoo yun pero may mga bagay na hindi lang siya para sa kilig factor. Paano kung yung taong crush mo dati na ngayon ay hindi mo na alam kung crush lang ba talaga hanggang ngayon?

I've met a guy 15 years ago. Nung una ko siyang makita ay parang balewala lang. Kumbaga eh casual lang kasi napadaan lang siya. Dumating ang pagkakataon na nagkita kami ulit pero late kong naalala na siya yung guy na napadaan sa akin nung entrance exam. Naging classmate ko siya. Bilang estudyante hindi mawawala ang asaran, kulitan at away-bati. Habang tumatagal ay mas lumalalim ang pinapagsamahan niyo bilang magkakaibigan kahit na naging magkalayo sa isa't-isa. 

Masarap isipin yung mga moments o memories na meron kayo. Sa bawat taon na lumilipas hindi lang siya puro kilig factor dahil naging crush mo siya. Dumarating din ang maturity sa ganitong bagay. May pagkakataon na mapapangiti o masaya ka kapag magkasama kayo pero sa tagal ng panahon na magkakilala kayo ay mas lalo mong matutunan kilalanin yung kung ano talaga siya o yung buong pagkatao niya. 

Unti-unti mo siyang maiintindihan, pagpapahalagahan, at susuportahan sa bagay na ikabubuti niya. Hindi ka lang nakafocus sa physical aspect kundi nandoon din yung emotional at spiritual needs niya. Kung kailangan niya ng karamay ay nandun ka para suportahan at pakinggan siya. Nandun ka para tulungan siya kapag may problema siya. Nandun ka para suportahan siya sa mga plano niya. Iparamdam mo na kahit nasaan ka ay alam niyang nandyan ka para sa kaniya. 

Dun ay mas tumitibay ang friendship na meron kayo. At the same time, nag-grow din yung understanding mo sa kaniya. Nandun ka para tulungan din i-guide siya sa mga bagay na kailangan niya para mas maging matibay siya. Kasama siya lagi sa prayers mo lalo na yung guidance, family at spiritual growth. 

Ikaw yung isa sa magbibigay ng full support sa kaniya at magcheer sa lahat ng achievememt at failures na mapagdadaanan niya. Just always trust and be faithful sa Panginoon sa lahat ng bagay. Kung siya man yung taong nakahangad para sa iyo, happy. Kung hindi man ay may isang taong maaaring naghihintay din sa iyo. At kahit na hindi man nalaman ng taong hinihintay mo yung mga ginagawa mo para sa kaniya, naging maganda naman yung pinagsamahan niyo bilang isang matalik na magkaibigan.

Kung ano man ang tawag ng iba tungkol sa paghihintay ko sa kaniya eh sakanila na yun. Kasi kahit ako hindi ko na alam kung ano ang tawag ko dun like kung crush lang ba yun, one-sided love, puppy love, etc. Basta siya yung isa sa mga importanteng tao na naging part ng buhay ko. Ang mahalaga naman dun eh yung memories at yung pinagsamahan namin dalawa. Hindi man siya yung maging Mr. Right Guy para sa future, siya pa din yung first Mr. Guy na dumating sa buhay ko. 




Old Friend

Old Friend

Meron ka bang naging kaibigan na nung una ay naging curious ka na parang may kakaiba o something sa taong iyon na sobrang hindi mo maintindihan kung ano ang meron siya na wala sa iba?

May naging kaibigan ako dati na naging curious ako sa kaniya nung pangalawang beses ko siyang nakita. Nung oras na yun ay hindi ko pa siya ganun kakilala. Alam ko lang ang pangalan niya pero may bumabagabag sa akin na napaisip ako na, "Ano bang meron sa kaniya at bakit ako curious kung sino siya? Hmm, ewan. Bahala na."

Lumipas ang ilang araw at nakita ko ulit siya. Sa bilis ng panahon ay hindi ko alam kung paano ko siya nasimulan kaibiganin. May isang topic na nagmatch sa amin. Isa sa mga bagay na nagpalapit sa akin sa kaniya para makakwentuhan siya. Kahit na ganun man ay hindi ko lubos mawala sa aking isipan ang tanong sa sarili ko na, "Ano ba ang meron sa kaniya at curious pa din ako? Ok naman kami pero bakit parang may something sa kaniya?" Yan ang madalas na naging katanungan ko sa sarili ko lalo na kapag nakatalikod siya at minsang napapagmasdan ko siya.

Dumating ang panahon na naging close kami sa isa't-isa. Minsan niya din na itanong sa akin na,

" I HAVE A QUESTION, AREN'T YOU SCARED OF ME? WELL NOT LITERALLY OF COURSE. YOU'VE JUST KNOWN ME FOR A MONTH, ANG GAAN NG LOOB MO SAKIN, WELL, MAGAAN DIN NAMAN LOOB KO SAYO..."

Dun ko nalaman na pareho pala kami ng thinking sa isa'-isa. Naging magkaibigan kami for 3 years. Sa paglipas ng panahon ay hindi maiiwasan sa magkaibigan ang tampuhan, misunderstanding at bangayan. Dumating kami sa point na nag-iiwasan na kami, hindi nag-uusap ng ilang buwan, at nagkaka-ilangan na. May mga oras na hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo. Para bang tinatakbuhan mo na lang ang problema kasi hindi mo na kayang solusyunan.

Hanggang sa dumating sa point na halos isara mo na ang pinto mo sa inyong pagkakaibigan kasi wala ka ng makitang positibong mangyayari sa inyo. Madalas ay para na lang kayong strangers sa isa't-isa tuwing magkakasalubong kayo. Kung minsan ay iniisip mo na para lang siyang isang panaginip na minsan dumating sa buhay mo na ngayon ay wala na. Kung minsan ay parang kasinungalingan lang na naging close kayo dahil ngayon ay naging baliktad na ang lahat. Para bang wala lang yung 3 taon na pinagsamahan niyo. Naglaho na lang ng parang bula.

Kaya may mga oras na mapapaisip ka na, "Paano na lang kung hindi kayo nagkakakilala? Ano ang mga pagbabagong mangyayari?" May mga tao talagang dumarating sa buhay natin na hindi natin alam kung hanggang kailan natin sila makakasama.

Thursday, January 22, 2015

Baguio, Beautiful Pine Trees


Baguio, Beautiful Pine Trees

Baguio as a Summer Capital in the Philippines na kung dati ay hirap puntahan o bihira lang dahil 11hrs ang biyahe galing Manila at depende pa yun sa traffic pero ngayon ay napakadali na lang at 5hrs na lang ang long drive. Ang saya! Kaya ngayon ay kayang-kaya ng mapuntahan anytime at mas exciting lalo na habang kasama ang pamilya at mga kaibigan. Kung nung mga nakaraang buwan na travel vacations with family ay taga-research ng pwedeng itinerary ngayon ay first time navigator at the same time ay hindi ako nakapag-research (BOOM nalimot ko), hehehe. First time makag-gala ng bonggang-bongga sa Baguio unlike sa previous times na nag-Baguio kami. Better na mag-plan ahead sa lahat ng bagay simula sa things-to-bring hanggang sa itenerary. Research everything lalo na yung weather and temperature sa lugar na pupuntahan para siguradong walang nakalimutan at tama ang dalang gamit. Lalo na kung gusto mong makita ang La Presa ng Forevermore, alamin ang lugar kasi hindi pala talaga siya La Presa, hehehe. Ginawa lang yun ng ABS-CBN kasi ang pangalan talaga ng lugar ay Mount Kabuyao at ang daan niya ay galing sa Marcos Highway papuntang Santo Tomas Rd paakyat hanggang sa makarating sa tutok ng bundok na may makikita kang 2 malaking satellite. Ang daan niya ay para kang pupunta ng Sagada dahil tatawid ka ng kabilang bundok at sa dulo ay doon na makikita ang La Presa.

Ito ang tips sa planong pagpunta o bakasyon sa Baguio:

1)      WEATHER FORECAST or TEMPERATURE. Mag-check kung ano ang temperature o weather forecast sa Baguio two days before ng biyahe para sure ka kung sapat na yung dadalhin mo sa plano mong stay o vacation. Dapat updated.
2)      PLACE TO STAY IN. Mag-research kung anong klaseng lugar ang iyong tutuluyan. Just to be sure kung ano ang dapat dalhin dahil may hotels, inns, lodges, hostels, at transient house na kung saan ka komportable at budget.
3)      LOCATION. Research about the location. Mag-check kung ano ang makikita sa lugar na malapit sa hotel.
4)      ITENERARY. Make your own checklist na gusto mong mapuntahan lalo na kung adventurous ka at gusto mo ng fun activites. Dun mo makikita kung kaya mong mapuntahan ang bawat lugar sa allotted time na meron ka sa pag-stay mo sa Baguio.
5)      TIME. The earlier, the better. Kung mas maagang aalis papuntang Baguio, makaka-iwas ka din sa traffic sa Manila kung taga-Manila ka alam mo yan, hehe.
6)      NAVIGATOR. Ito ang dapat na kailangan na meron ka kapag pupunta ka na sa Baguio dahil sa sobrang daming pasikot-sikot lalo na kapag long drive. Better to use google map sa smartphone o navgitor ng kotse kapag travel time na dyan magsisimula ang adventure.
7)      JOYRIDE! Bring your friends and love ones. Kung ikaw ang driver, make sure na nakapag-pahinga ng maigi at ready na sa long drive at good vibes kasama sila.
8)      ENJOY! Every minute and place ay memorable kaya sulitin maigi ang bakasyon. ^_^
9)      ALWAYS PRAY! Always ask God for travelling mercies. Have a safe trip and have fun. ^_^


This is it! Ito na ang paglalakbay sa Baguio. ADVENTURE TIME! 





Beautiful sunflowers around Burnham Park.



BOATING TIME



BIKING! I MISSED IT.



NEXT DAY!

BURNHAM PARK AGAIN

Explore and Enjoy!



THE MANOR CAMP JOHN HAY





THE MANSION



 WRIGHT PARK




ON THE WAY TO MOUNT KABUYAO.... A.K.A. LA PRESA OF FOREVERMORE, ABS-CBN



FINALLY, WE'RE HERE! WELCOME TO LA PRESA! MAY SHOOTING SILA, HEHEHE!


GOODBYE, LA PRESA


LAST DAY

GOOD MORNING BAGUIO!



STRAWBERRY FARM AT LA TRINIDAD



LUNCH AT BURNHAM PARK



PHILIPPINE MILITARY ACADEMY





GOODBYE BAGUIO




More adventure pics on my site. Feel free to visit my site and like my page. Thank you! ^_^