FIRST EAT BULAGA LIVE EXPERIENCE
Ito
na! Matagal na naming plano ni Lea pumunta sa Eat Bulaga kasi nga sobrang
na-cucutean ako kay Baby Baste. I wanna see and hug him. Siya talaga ang mas
gusto kong makita. So we decided na pumunta sa March 3 kasi birthday na din ito
ni Maine. We’re hoping to watch it live and makita na din si Alden at Maine in
person. So ito na, nagpaalam ako sa ate ko nung Sunday kasi siya ang boss ko sa
office, “Te, pa-birthday mo na sa akin to. Punta kami ni Lea sa Eat Bulaga sa
Thursday.” She answered, “Aww, talaga?” Siya pa ata mas excited. So, it’s a
YES! HAPPINESS! ^_^
Then, ito na nung Wednesday habang nasa Jolibee, SLEX
kami at nagmimiryienda.
Convo about MaiDen at videos ng surprise party ng fans club
ni Maine nung Monday night:
Yek: Eh, bakit hindi ka pumunta (Maine’s surprise party)
Me: Eh hindi ko naman alam eh. Tsaka ang layo noh, QC!
South to North.
Yek: Eh yung sa TNT concert nila sa MOA.
Me; Hello, birthday mo kaya yun.
Yek: Bukas na yung punta niyo ni Lea sa Eat Bulaga, hindi
ba?
Te Bibs: Oo nga, bukas na yun noh?
Me: Oo, wala ng tulugan.
Yek: Dapat sumasali ka sa mga fans club para napupuntahan
mo yung events nila.
Me: Grabe naman yun.
Te Bibs: Oo, Sali ka sa ganun…Paano kapag hindi kayo
nakapasok?
Me: Edi sa labas ka? Hindi ka nga naka-pasok di ba.
Edi natawa si ate Bibs.
OK! So, supportive talaga sila….
Nung gabi chat at text na kami ni Lea para sa bukas.
MARCH 3, 2016, EAT
BULAGA EXPERINCE!
First time kong maka-experience ng live at first time ko din gawin ito.
MARCH 3, 2016, Time checked, 2:15am! ALIS NA NG BAHAY!
Time checked, 2:30am - nasa tricycle na ako.
Habang palabas nang bahay at bubuksan na yung gate….at
the back of my mind, I was thinking, “Ang ingay ng gate….ano ba ito para naman
akong tatakas at maglalayas ng bahay feeling… HAHAHA! Dahan-dahan, ang ingay ng
gate eh.”
Paano ba naman, first time kong umalis ng bahay plus
commute ng SUPER DUPER AGA! HELLO, 2:30AM, may duty ba ako sa hospital tapos
ang taas pa ng buwan.
Habang nasa jeep ako, “Ano to? Joyride? Parang gusto ko
pumunta ng Calatagan, Batangas….HAHAHA! BEACH NA ITO!!! Focus, focus, QC tayo,
hindi tayo magbeach, hihihi. Sa March 19, na lang.”
Ok going back…. Ito na. 7/11 na ako. Time checked: 2:39am
Ok, kinontak ko na sila Lea para makaalis na kami. Habang
hinihintay ko sila nag-early breakfast snack muna ako. Time checked: 2:44am
Nasa bus na kami! Time checked: 3:28am…
Grabe yung bus na sinakyan namin para kaming nasa
rollercoaster o kabayo? Hahahaha! Sobrang bilis! Grabe makapang-gitgit si
manong driver ng mga kotse, adik lang eh. Tapos habang nasa bus kami, nung
biyahe eh napansin ko yung first lane eh priority ang buntis, may kapansanan o
senior citizen para sa upuan pero may dalwang lalaki na nakaupo dun. Hello?
Pilipino nga naman talaga. Sa ibang bansa eh bawal umupo.
Anyways, going back. Ito na, nasa Quezon City na kami. EAT BULAGA NA KAMI! Time checked: 4:35am
Pagdating namin nakita namin yung pila, ang haba! Sabi
nila meron pang naka-pila sa loob. So naghintay kami. Bumili muna ng taho.
Pampalipas gutom. May napansin ako habang naghihintay kami. Yung matandang
mag-asawa na nagtitinda ng snacks at kape. Nakakalungkot lang isipin kasi dapat
inaalagaan na lang sila ng mga anak nila. At the back of my mind, “Kawawa naman
sila. Wala ba silang anak para mag-alaga sakanila. Dapat nasa bahay lang sila
kaysa yung nagtitinda sila sa daan baka kung ano pa mangyari sakanila.”
Ok, dumating si manong guard na naglalagay ng number sa
amin. 142 ako, 143 si Lea, 144 si Liezel.
Time checked: 5:46am
Sabi ni manong madami daw ang tao. Depende na lang kung
makapasok kami. So kami naki-chika sa mga kasunod namin sa pila. Kwent-kwento
sa mga experience nila. Meron dun, mag-mommy eh lahat ng event napuntahan nila.
So ayun, habang naghihintay kami naglaro muna kami ni Lea ng UNO cards sa
sobrang board namin.
Ito na nakapasok na kami sa building PERO mahaba pa din
yung pila. Time checked: 8:10am…
We were expecting na makapasok kami ng live pero ang dami
kaya hoping kami. Then after eh, puno na. So, may shoot daw ng hapon 3pm. May
chance kami makanuod, sa shooting na lang for today’s EB, Friday. So hintay
kami. Itong si manong guard sabi niya, yung mga “MAY NUMBER LANG” ang matatakan para makapasok maliban sa mga “NAGPA-RESERVE”. So, naghintay kami.
Ayun, nung dumating yung nag-tatak. Syempre pila. Nagbilang na, “Oh, 100 lang
muna. Yung may number lang.” Dahil nabawasan na yung mga tao kasi nakapasok na
yung iba. So pumila kami. Pagkatapos akong ma-stamp biglang nag-stop kay Lea at
umalis si manong stamp, “Oh, ayan na 100 na.” We were like, “HUH? PAANO NAGING 100 YUN EH KASAMA KAMI
SA BILANG?” Tapos napansin namin binigyan niya ng stamp yung “MGA SUMINGIT”….So naghintay kami kasi
pinapila ulit yung mga walk-in na wala pang stamp na kasama din namin. So
habang naghihintay, 2:30pm na… KAKAIN
PALANG KAMI NG LUNCH!
Pinapila na din malapit sa hagdan yung mga may stamp na
reserve at walk-in. Napansin namin na “ANG
DAMING SUMINGIT NA GRUPO” sa pila. Yes, mga grupo na wala talaga sa reservation
list na biglang nagsi-datingan ng 3pm. Kasi imagine mo, iilan lang ang nakita
kong nasa listahan ni manong tapos biglang dumami ng sobra. HIMALA KA! Hindi sa nagmamagaling ako pero grabe naman yung mga
naghintay ng more than 10hrs sa pila. Yung iba eh nakatulog na sa pagod
kahihintay tapos sobrang init pa dahil sa dami ng tao plus sobrang aga nilang
pumunta. Sila yung mga nagtiyaga tapos sabay may mga “SISINGIT” lang sa pila. RESPETO
NAMAN UY! Ang sabi pa eh, “FIRST COME
FIRST SERVE” kaso iba ang nangyari “PRIORITY
ANG MGA GRUPO-GRUPO” Para bang pinaglalaruan kami at pinaasa na lang.
Mahirap magtiis, umasa, at maghintay pero nabigo parang
pag-ibig. Nagtiis para kayanin ang paghihirap at umasang may mangyayaring
maganda. Sa tagal ng hinintay ay nabigo din dahil siya'y iniwan lamang at
pinabayaan ng tuluyan. Napakasakit sa isang tao na tratuhin ka na para balewalain
lang. Paano na lamang kung ikaw ang tumayo sa kinatatayuan niya? Matutuwa ka ba
na ganun ang ipinaramdam niya sa iyo? Umasa ka na magiging maayos ang lahat
pero sa huli ay bigo ka pa din dahil sa inakala mong wala lang iyon. GRABE
SIYA! RESPETO NAMAN! So ayun nga, si Lea hindi siya nakapasok kahit ang
sinabi sa mga walk-in ay pumila ulit na simula madaling araw naghintay ay
pinaasa lang. Ang sabi sakanila eh BABALIKAN
DAW SILA PARA MATATAKAN PERO HINDI NA SILA BINALIKAN. Paano nangyari? KASI MAY MGA SUMINGIT TALAGA. PLUS!
Walang tamang sistema pagdating sa pila. So, ayun. Wala kaming choice at hindi
na nakapasok si Lea. Kaya naghintay na lang siya sa hagdan.
So,
ito na. Nung papasok na sa taas. Iniwan ko yung dala ko sa baggage counter.
Nauna si Liezel sa loob. So ako pagpasok ko ay nagsisimula na sila. Nakita ko
si Baste nasa screen na. Edi madali na ako.
Pagpasok
ko, puno na… “Hala, saan ako uupo? Wala na atang upuan.”
Pinicturan
ko muna si Baste at nag-video. “Aww, ang cute-cute ni Baste.”
After
ng part ng kay Baste ay pinalipat kaming nasa gilid sa harap. “WHAT? SA HARAP AKO UUPO?!” Ok na sana eh
kung kasama ko din si Lea at kumpleto kaming nakapasok.
While watching..at the back of my mind, I was saying...
"OO NGA! Kamukha nga ni papa si bossing Vic! Parang pinapanood ko lang si papa, hahaha!
Every
after shoot ay nagpapa-picture sila Pia G., Alden, Ryan A. at Ms. Ruby sa fans.
May mga nagpapicture kay Steven Gonyo dun sa mga nakaupo sa side ko. So ako,
nagpapicture na din ako. Syempre in a nice way. Kumbaga eh remembrance na din.
Wala si Maine kasi nasa barangay siya at sa Kalyserye shoot lang siya kasi nung
Sugod Bahay shoot ay JoWaPao na lang nandun sa scene. So it means maaga siyang
pinauwi kasi birthday naman niya. It’s her time to celebrate her birthday with
family and close friends. Si Baste nung dumaan nahawakan ko yung kamay pero
siyempre pagod na yung bata kaya hindi na siya nagpa-picture. Wala na siyang
energy eh kahit sa mga mata palang niya eh kailangan na niya magpahinga. So,
ayun na. Nung dumaan si Alden sa side namin. Nagpapicture na din ako.
BE NICE TO THEM FOR A PICTURE yun ang pinaka-magandang reminder sa lahat.
Kung
nung Dec. 14, 2015 ay napanaginipan ko lang si @aldenrichards02 ngayon masasabi
ko, na ang panaginip pala ay nangyayari din sa totoong buhay in a positive and
good dreams naman.
Syempre,
nakakahiya naman na makisiksik sa kaniya at first time ko lang siya makita ng
personal plus closer look. Kahit na magka-edad lang kami ni Alden eh, may
konting awkward pa din. Kaya all I did eh slight na tapik lang sa balikat niya
at sabi ko, "Alden papicture naman." Then he looked and smiled. Yung
masiksik ka pa nga lang sa pila eh nasasaktan ka na, yung damugin ka pa ng tao
mas matindi. So yung malumanay lang. Nagpapapicture naman siya eh so be nice
din in return. Tao din sila. Nasasaktan din sila, may feelings sila. Kaya
patience din sakanila yung pagkadumog sakanila ng mga tao. May iba kasi sobra
sa excitement. Yung tipong todo sa pagtakbo na may yakap.
I was
saying na, be nice naman base on my observation kapag nagpapapicture sila sa
kaniya o kahit sa ibang artista kapag wild na yung dating. Sobrang mabubugbog
yung tao. Just saying. Iba kasi yung nakikita lang sa tv base sa nakikita mo sa
personal.
Isa na
ito sa magandang gift sakin ngayon birthday ko. Advance gift para sa March 21! 😊
Base
sa pagkatapik ko sa balikat niya eh full muscle nga siya. Kumbaga firm siya.
Hindi siya yung muscle na may taba-taba pa. Eh, nahawakan ko din yung braso
niya, talagang ma-muscle siya. So, I realize na kaya pala minsan eh gigil na
gigil si Maine sa mga braso niya. Plus, KINILIG
AKO AFTER! HAHAHA! Walang halong biro! Totoo! Kasi naman ang kinis ng mukha
niya talaga, yung mga mata niya ang sarap titigan at yung dimple eh PLUS FACTOR TALAGA! Hahaha! Hanggang
dun lang. Kinilig lang ako pero chinito pa din ang type ko, hahaha. So ngayon
alam ko na yung feeling kapag ganun ka-gwapo talaga ang bubungad sa iyo, medyo
maiilang ka kasi ang awkward, unless na lang kung boyfriend mo na o asawa mo
yun. Kaya pala, minsan medyo ilang si Maine kapag grabe makatitig si Alden sa
kaniya, hahaha. Makahanap nga ng kasing gwapo ni Alden tapos maganda din ang
pangangatawan dahil sa diet at exercise. I can say na mabait nga siya. Nung
tapos na yung shoot eh bumalik pa siya sa labas at nagpapicture sa iba bago
umalis.
So,
now I know kung bakit ganun na lang ang pagka-fandom ng iba na talagang
susundan sila kung ano man ang event nila.
So,
bago kami umuwi eh talagang pinilit kong ipasok si Lea after the shoot para naman
makita niya yung loob. Siyempre naghintay din siya at well planned ito na dapat
kumpleto kami. Magkatext kami habang shoot kasi worried din ako sa kaniya.
Pumasok na lang siya sa loob at nagpicture-picture na din as remembrance. Then
after nun ay dinner na kami.
Time
checked: 7:22pm
Sobrang
nagutom kami dun noh. Sa init at pagod ba naman sa paghihintay pati gitgitan ng
mga tao sa pila, eh talagang mapapagod ka. Ayan, pumunta kami ng Eastwood para
na din sa Walk of Fame. Hinanap namin yung pangalan ng JoWaPao pati kay Main at
Alden. Literally, talagang todo lakad kami sa pagbabasa ng mga pangalan. Then
finally nakita namin yung name nila na malapit sa waffle shop kahit na hindi
yun yung pinaka-gitna ng Walk of Fame eh yun na, atleast pangalan pa din nila
yun tsaka gutom na kami noh. Ayoko ng libutin ang buong Eastwood. Hello, first
time kong puntahan yun plus taga-South kami parang Alabang lang din naman siya.
For remembrance purpose lang siya then dinner na.
Time
checked: 8:09pm
After a very tiring day for us, we decided to
satisfy our day with this heavenly taste and satisfying food! Hot-Star Large
Fried Chicken! Honestly, I forgot my half chicken fillet last night. Sabi ko pa
naman, magugustuhan nila ate yung chicken barbecue. KASO naiwan ko sa c.r.
after, sa sobrang pagod at antok na. I forgot the chicken. So sabi ko, baka hnd
pa nagdinner si ate (yung janitor sa c.r.) so sana kinain nya na lang, sayang
naman kung itapon pa. So ganun na lang, positive thinking na lang. Ganun
talaga, pagod na eh. Nag-taxi na kami pauwi kasi pagod na talaga kami at para
diretso na yung biyahe.
Time
checked: 9:50pm
Finally,
I’M HOME! Sulit ang biyahe at pagod
nung nakapasok kami. Next time eh sana kumpleto na plus meet and greet kanila
Alden at Maine.
Time
checked: 11:00pm
Here’s my list na mga changes na dapat magawa sa
Eat Bulaga Broadway. Hindi sa pagmamagaling pero base sa observation ko para
naman magkaroon ng maayos na sistema at pagbabago. Dun lang naman sa set-up ng
pila ang dapat ayusin kasi yung sa loob ng stage eh sobrang maayos naman ang
set-up nila. Yung doon lang sa pag-assist ng bisita sa broadway ang kailangan.
1)
C.R. – Kailangan talaga dun
eh dagdagan kahit isa pang-c.r. at linisin araw-araw. Plus, yung supply ng
tubig. Lima na nga lang yung cubicle tapos sira pa yung 3. So 2 na lang siya.
Imagine mo, araw-araw may darating na 500 persons tapos magtiya-tiyaga ka din sa
pila at amoy kapag nag-cr ka. Kailangan ayusin na at dagdagan din.
2)
FOOD – kailangan mong magdala
ng pagkain kapag ganun. Yung carbohydrates at tubig para habang mahaba ang pila
ay makakain ka at hindi ka agad mahilo pati magutom. Siyempre, tubig din lalo
na at sobrang init dahil sa dami din ng tao. Pwede naman kasi iwan sa baggage counter. For sure, ubos mo na yung baon mo kapag papasok ka na sa loob. Unless, kung nagpa-reserve ka. Diretso ka na talaga sa taas.
3)
TIME – Agahan mo! Yung iba ay
hindi na umuuwi kasi galing pa sila sa province.
4)
SISTEMA SA PILA – Ito sobrang
kailangan baguhin. SOBRANG KAILANGAN
AYUSIN.
a.
GUARD - Imagine mo, 5 ang
guard sa hagdan sa taas pero 1 lang ang guard na nag-aassist sa 200-300 na tao
sa pila sa baba! Kung minsan eh, binabalewala lang at parang pinaglalaruan lang
kami.
b.
LIST OF RESERVATION – Kung ano
yung nasa list yun lang, hindi yung porket na madami sila sa grupo eh bigla na
lang isisingit sa mga naka-reserve. RESPETO NAMAN UY!
c.
LINE-UP – Kailangan dito lagyan
ng tali eh. Yung katulad sa mga SM na nilalagay na tali para sa pila. Una eh, sobrang
dami ng tao. So para maayos ang pagkaka-pila eh dapat talagang lagyan ng tali
para madesignate kung saan pila ka talaga.
d.
NUMBER SIGNS – Ito ang
pinaka-isa sa mahalaga. Yung sign nila ng WALK-IN at RESERVED eh lagyan nila ng numbers
na (1-100), (101-200), etc. para makita kung gaano talaga kadami yung tao.
e.
NUMBER TAG/TICKET – Imagine mo,
5:46am kami sinulatan ni manong guard ng number gamit ang pentel pen niya. “PENTEL
PEN” ah… so may tendency na mangdaya sa sulat o mabura ang sulat sa kamay lalo
na kung pawisin yung tao. So mas better kung may ticket sila kasi dati eh wrist
tag meron sila, ngayon wala na. Edi para mas tipid ay ticket kahit logo lang ng
EB plus yung number. So walang singit na magaganap at maayos ang pila sa
paghihintay. RESPETO NAMAN SA MGA NAGHINTAY
SIMULA MADALING ARAW (YUNG IBA NUNG GABI PA AT DI NA UMUWI) AT PUMUNTA NG SOBRANG
AGA NA GALING PA SA MAS MALAYONG LUGAR.
f.
TALI SA HAGDANAN – Dapat lagyan
ng tali dun sa may hagdanan para naka-indicate yung daanan ng mga staff sa
daanan ng guest. So walang siksikan magaganap at tulakan.
REMINDER: ITO AY PARA LANG MAGKAROON NG MAAYOS NA
SISTEMA SA PILA AT PARA NA DIN ITO SA SAFETY NG BAWAT ISA. May tendency na yung iba ay himatayin or something na may
mangyaring gulo sa pila. AND HONESTLY
SPEAKING, NA-DISAPPOINT KAMI DUN SA GUARD NA NAGSULAT SAMIN AT SA NAG-STAMP
SAMIN. Kasi si manong guard eh kung saan-saan kami pinapila. Pabalik-balik
kami dun sa una namin pila. Pangalawa, dun sa nag-stamp, may “attitude” si Manong.
Bigla-bigla nalang kaming nilalayasan. Hindi porke’t walk-in kami eh ganun na
lang siya sa mga tao. Plus, mas “mabait siya sa mga grupo-grupo kahit na wala
sa list”. Nagagawa niyang makipag-biruan at tawanan sakanila. Doon kami sobrang
nabadtrip. The way these two men treated us as a guest walk-in and people with
us. Everything was so good na “SANA”
but our experiences of these two men wasn’t. If you’re the one who experienced
it eh baka kumuha ka na ng punching bag sa inis. IT WASN’T A JOKE. OUR EXPERIENCE WASN’T A JOKE. Imagine, almost
11hrs kaming naghintay bago kami makapag-lunch ng maayos dahil sa sinabi ni MANONG GUARD na “MAG-STAMP ULIT MAMAYA PARA SA 3PM SHOOT”. So we patiently waiting
sa line. Ayun pala, eh may ibang kababalaghang nangyayari sa pila sa harap. Then,
I insist na bumili na ng food sa canteen para lang sa LATE LUNCH namin tatlo. WHAT
THEY DID EH PARA LANG KAMING NAGHINTAY SA WALA. UMASA KAMI AT YUNG MGA KASAMA
NI LEA SA PILA. BINALEWALA SILA. Mas mabuti pa yung sinabi na lang nila
yung totoo na hindi na sila makakapasok kaysa yung bigla na lang silang iniwan
sa ere na parang wala lang. SO
DISAPPOINTING sa ginawa NILANG
DALAWA. Katulad nga ng kasabihan, “Kung
gusto mong respetuhin ka ng tao, respetuhin mo din sila.” Sabihin na natin
na napapagod sila, ang tanong. Mapapagod ba sila kung gagawin nila ng tama at
nasa ayos ang lahat? Mas less hassle nga yun eh. Yung gawin sa tamang proseso o
sistema ang isang bagay hindi yung nakukuntento na lang sa pang-araw-araw na
ganun ang nangyayari. Konting pagbabago naman at ayusin ang sistema nila. Higit
sa lahat ay yung “attitude” nung guard at yung nag-stamp. Kung ganun yung
experience namin eh paano na lang yung iba din na ganun din ang naranasan nila. Yung mga nababasa kong blog about
experiences nila sa Eat Bulaga eh puro mga nakapagpa-reserve. Sobrang OK sila
kasi parang VIP ang dating dahil may kakilala. So paano naman yung mga
nagtiis, nagutom, nakipagsiksikan, nagtiyagang gumising ng maaga, at higit sa lahat
ay napagod? Ganito ang experience namin at sa mga kasama namin. So,
pantay-pantay lang din dapat. I'M NOT AGAINST SA EAT BULAGA. Dun lang naman kami na “BEASTMODE” sa GUARD at sa MANONG na NAG-STAMP. MAGULO YUNG DALAWA KAUSAP. TRY MO MUNA
PUMUNTA PARA MAEXPERIENCE MO BAGO KA MAGCOMMENT. IF HINDI MO PA NA EXPERIENCE
MAG-EB NG WALK-IN, WAG KA NG MAGSALITA. HIGIT SA LAHAT WALA KA NAMAN SA SCENE
PARA MAEXPERIENCE MO YUNG PANGYAYARI.