Sunday, January 8, 2017

Types ng Adventure



Types ng Adventure

Malapit na naman ang summer. Karamihan niyan ay mag-aaya ng trip. Kaya ito, anong klaseng adventure kaya ang karamihan? Sila ba ay solo, travel buddy, o group?

Types ng Adventure
1. Solo Adventure - ikaw lang talaga, solo nga eh, hahaha!
2. Travel-Buddy Adventure - bestfriend/buddy, couple/lover
3. Group Adventure - family, friends, workmates, mahilig sumama sa groups, etc.
Sa mga types na yan, meron advantages at disadvantages.

1. Food/Transportation
a) Solo - gastos mo lahat.
b) Buddy / Group - pwede mag-share. Unless, choosy yung ka-buddy mo o madami kumain. Eh KKB ang mangyayari. Hahaha!

2. Itenerary
a) Solo - lahat ng gusto mong puntahan ay go lang. Hawak mo yung oras mo kung gaano katagal sa isang lugar. Pwede mong icancel yung isang lugar kasi walang magsasabi sa iyo kung saan ka susunod na pupunta.
b) Buddy - pwede kang maging-considerate sa kasama mo. Unless ay wala talaga siyang idea sa lugar, so ikaw ang magdedecide ng itenerary niyo. Kung may gusto man siya ay titignan niyo pa din kung kakayanin ng oras at budget.
c) Group - madaming gustong puntahan pero konti lang ang oras. Kaya dapat naka-set ang time at lugar para alam mo kung gaano katagal sa isang lugar. Kaya dapat naka-ayos ang itenerary para walang ma-miss na lugar. Madami din mag-shashare ng ideas na magandang puntahan o gagawin.

3. Picture Taking
a) Solo - karamihan ay selfie at nature/places pero yung iba may sariling tripod o monopod para may mas maayos na shot kahit solo pic.
b) Buddy - both ay pwedeng mag-exchange sa pagpicture. Syempre kaniya-kaniyang selfie din.
c) Group - kadalasan dapat may group pic kaya may taga-picture. Kung minsan para kumpleto lahat ay may tripod o may magpicture para sa group. Meron isa o dalawa na taga-picture sa lahat ng naging activities. So yung iba ay hihingi na lang ng copy.

- credits to the owner (pic above: Drawing by Travel Thoughts.PH)

4. Drawing - ang nauusong salita para sa mga lakad na biglang hindi natutuloy o sadyang hindi natuloy at para sa mga hindi sumama o nakakasama.
a) Solo - bibihira maging drawing kasi kadalasan natutuloy. Unless, masama talaga ang panahon o wala ng budget. Kung minsan ay tinamad lang.
b) Buddy - nagkaroon ng lakad sa iba. Kung minsan ay nalimutan na may lakad kayo. Nagplanong umalis pero lahat na lang ng gawin decision para sa lakad ay hindi na kayo nagtugma. Ayun, cancelled na lang. Maghanap ka na lang ng iba na pareho kayo ng gustong mapuntahan at activity.
c) Group - kapag wala yung isa, eh cancelled na. Kung minsan naman ay may taong siya ang mag-aaya ng lakad pero siya mismo ang wala. Kung minsan naman, complicated ang schedule ng lahat kaya hindi na lang tinuloy. Yung iba, go pa din kahit may mga nag-backout na sa trip. Kaya yung mga wala eh nainggit na lang sa picture dahil hindi sumama o nakasama.

Ikaw, anong Adventure ang gusto mo? O anong klase adventurer ka? Higit sa lahat, anong drawing ang madalas mong gawin? Hahahahaha! Out of the blue writing.... para sa mga lakad na nagiging drawing, hehehe. Mag-drawing na lang ako ng Beauty and the Beast mamaya. Enjoy! 😊
Enh Enh