Tuesday, May 2, 2017

25 Years


25 Years
Celebrated my 25th at Boracay
Annyeonghasaeyo! Namiss ko ito. Busy lately. Super dami ko ng maisusulat. Super daming nangyari. Celebrated my 25th sa Boracay, ang dami kong narealize nung gabing nasa tabing dagat ako nung first night sa Boracay. I was thinking, "Hindi ko pa natutupad yung dream kong magkaroon ng sarili kong coffee shop. 25 na ako, anong nangyari sakin after college. Dapat nung 23 pa ako meron nun. Yet, I am here doing nothing."

Las Vegas, Los Angeles, Seoul
I am travelling to different countries and had ideas about the business I want. Siguro this time kailangan ko ng paghandaan ito. I want a job na alam kong gusto ko talaga at masaya ako sa ginagawa ko. During OJT days sa tatlong section na ginawa ko, sa Food Service ako mas nag-enjoy. Sa Microtel, kahit na maaga ang pasok ko at madaming gagawin sa umaga dahil breakfast buffet, na enjoy ko siya. Lalo na yung mga customers na chinichika ka nila habang nag-seserve ka sakanila. Tatanungin nila kung saan ka nag-aaral kasi alam nilang OJT ka. Yung mga customer na parang ayaw kang umalis para kausapin mo sila tapos sa huli magbibigay ng tip kasi nagustuhan nila yung service mo. After college sabi ko, "Iba talaga kapag food service. Mas masaya siya para sakin. Doon talaga ako mas nag-enjoy pero mas gusto ko kung sarili ko ng coffee shop yung imamanage ko."


Coffee Prince cafe at Hongdae, Seoul Korea
A few months ago, I was researching the things I wanted to do. I was researching what job do I really want. What am I really wanted to do? Doon ako nag-research. Nag-research ako sa mga bagay na ginagawa ko or mga hobby ko like photography, food, travel, arts, etc. Yet, in the end sa food business ako bumagsak. I tried to check yung mga gusto kong gawin kapag nagkaroon ako ng business about food. What kind of food business? Where I want to put the business? Etc...


My own travel photos: Jamae Photography
Kaya nung gabing nasa harap ako ng dagat tinanong ko sarili ko, "Ano ba talaga ang gusto kong gawin?" I end up, "Magtayo na kaya ako ng coffee shop." Why? Because I enjoy it. I love the coffee aroma. Yung atmosphere iba. Yung tuwing nagpupunta ako sa mga coffee shop, I always think, "Sana meron na din akong ganito." I even observe the place. Like, "maganda yung interior, masarap yung coffee, simple pero maganda yung lugar, etc." It always comes on my mind kapag nasa isang food establishment ako. Sometimes I even think na, "Kapag nagtayo ako ng sarili ko, ano kaya magandang interior design? Ano kaya ang name ng shop?, etc".

Sometimes people asked me, "Kailan na namin matitikman ang coffee mo? Kailan ka na magtatayo ng sarili mong coffee shop? Etc." Sometimes may pressure din for some reasons. This time, kailangan ko ng mag-take ng actions para mangyari siya. This time may goal na ako. Kung minsan pati boyfriend pressure din, hahaha! Now I know why people will ask you about your relationship status when you reach 20+. Sometimes, they even think na I'm still in college, hehe. When you reach 20+, iba na ang takbo ng mundo mo. Puro working na ang mga kasama mo. Usapang work, lovelife, plans, travel, future, etc.


Soon, may kasma na ako, hehehe. 
Kung minsan hindi pa ako sanay sa tanong na, "May boyfriend ka na?" But my answer is always the same, "Wala pa po. NBSB po. May hinihintay po." Their reaction was, "Talaga? Wala ka pang-boyfriend? Etc." Kung minsan ang sagot ko, "Kapag meron na po akong kasamang iba sa profile pic ko po, yun na po yun, hahaha!" Ang sagot eh, "Sige, aabangan ko yan." Hahaha! Inaabangan ko din po yun, hehe. Darating naman kung darating talaga. Sa ngayon, eh wala pa talaga. Soon eh kapag dumating siya, edi masaya. May travel buddy na ako, hihi. So dapat adventurous din siya para masaya. Katulad ni Park Bo Gum my love, hehe.






Kapag dumating na yung time na natupad na yung goal ko na magkaroon ng sarili kong business, yung dream house naman ang next. Yung magkaroon ako ng sarili kong bahay malapit sa beach. Tipong Gold Coast ang dating. So, Batangas ang mas malapit kasi doon ang may white sand beach. Sa ngayon, need ko muna mag-focus sa coffee shop ko.


Gold Coast, Australia