Saturday, March 19, 2016

What If

What If


Sa buhay, dumarating talaga yung time na magtatanong ka sa sarili mo ng bakit. May mga oras na magtatanong ka na lang ng mga bagay-bagay. Kung minsan may doubts kang mararamdaman. Madalas maitatanong mo na lang ito kapag natapos na yung mga pangyayari. Madalas nasa past na at maitatanong mo ang salitang "What if..." 

Madalas itong mangyari sa mga bagay na pilit mong itinatanong kung bakit kailangan mangyari ang isang bagay kahit na meron ka naman magagawa para may magbago. 

Paano na lang kung itong tanong ay para sa taong naging espesyal sa buhay mo? Yung taong, minsan hindi mo inisip na maaaring mawala sa buhay mo. 

Yung mga salitang laging gumugulo sa isipan mo na pilit mong paulit-ulit na iniisip at hinahanap ang kasagutan.

What if kung nung panahon kailangan niya ako ay nasa tabi niya ako para damayan siya?
What if kung nung minsan hinanap niya ako ay pwede ko siyang mapuntahan ay hindi siya naghanap ng iba? 
What if kung nung mga oras na nararamadaman kong may mali ay dapat kinausap ko siya agad?
What if kung nung una palang ay gumawa na ako ng hakbang para walang nagbago sa kaniya at hindi siya napunta sa masama? 
What if kung nung minsan sinabi niya sa akin na gusto niya akong makasama dahil nalulungkot siya maaaring ngayon ay walang nagbago?




What if kung hindi ka nagbago, may chance na kasing gwapo mo na din ngayon si Ryan Reynolds? Alam mo kung bakit? Kasi sa kahit anong anggulo ng mukha niya, masaya man o galit, ikaw pa din ang nakikita ko kasi may pagkahawig kayo lalo na yung figure ng mukha. Kung minsan kapag natulala na lang ako sa wallpaper ko, iniisip ko na lang na ikaw na lang sana ang kasama ko sa picture katulad ng picture namin ni Alden.


Maaaring ngayon ay ikaw pa din ang lagi kong kasama sa mga camps na napupuntahan ko lalo na yung madalas natin gawin.
Yung kasamang gagala sa labas katulad ng ginawa natin sa Tagaytay.
Ikaw pa din ang kasama ko buong araw at gabi na kausap at kakulitan.
Ikaw pa din ang kasama kong mag-almusal kasi magtatampo ka kapag hindi kita ginising.
Ikaw pa din ang kasama ko sa pagpuyat at pinagmamasdan ang mga bituin sa ulap.
Ikaw pa din ang kasama kong kumain ng noodles at uminom ng kape.
Yan ang madalas natin gawin sa mga camp na halos hindi na tayo mapag-hiwalay. Todo gala at kulitan.

Kung minsan naiisip ko yung mga panahon alam mong hindi kita kayang puntahan ng basta-basta dahil malayo tayo sa isa’t-isa para damayan ka tuwing kailangan mo ng kasama, makakausap at higit sa lahat ay tuwing sinasabi mo na sana nandiyan ako sa tabi mo. Nung mga panahon na yun ay wala akong nagawa dahil nasa magkabilang lugar tayo at mahirap magtugma ang mga oras natin para magkausap.

What if kung nangyari na lamang ito sa panahon ngayon ay sa lahat ng pagkakataon na pwede tayong magkita ay ginawa ko para lang maramdaman mo na lagi akong nandito para sa iyo? 
What if kung alam mo lang na masakit din para sa akin na nagbago ka kahit alam mo ang dahilan? 
What if kung nung una palang ay alam mong handa akong saluhin ka kapag kailangan mo ng karamay? 

Gaano man kadami ang mga nangyari, hindi naman magbabago na naging espesyal ka sa buhay ko.
Gaano man kalaki ang pinagbago mo ay hindi ka mawawala sa mga panalangin ko. 
Kahit na parang imposible ang isang bagay para sa akin walang imposible na maaaring maibalik ang nakaraan kung saan doon kita nakilala kasi patuloy pa din akong magtitiwala sa Diyos at lagi kitang isasama sa mga panalangin ko. 
Hindi man ikaw yung taong makakasama ko habang buhay kahit sa simpleng maibalik lang yung kung ano ka dati at kung ano ang meron tayo noon, masaya na ako para sa iyo.

Masaya akong masagot ang isa sa mga matagal ko ng ipinapanalangin para sa iyo. Masaya ako na makikita kitang nagbago ka dahil yun ang tama at dapat. Masaya akong magbabago ka para sa ikabubuti mo at para na din sa magandang kinabukasan mo. Yun na yung isa sa magandang mababalitaan ko tungkol sa iyo kapag nangyari yung mga yun. Isa na ako sa pinaka-masaya para sa iyo kapag yung matagal ko ng panalangin para sa iyo ay sinagot na ng Diyos. Kapag nangyari yun, hopefully ay continuous na din yung good changes na yun.


Hindi man kita nakakasama ngayon, ang mahalaga pa din sa akin ay okey ka kahit na “Everything Has Changed by Ed Sheeran and Taylor Swift” ang dating ng theme song natin ngayon. Darating din yung time na may answers na sa mga tanong na yun. Malalaman ko yung purpose nun. Kagaya nga ng kasabihan, “Everything has a purpose.” So, I’m just here always praying for you and waiting for the answer.

Friday, March 4, 2016

FIRST EAT BULAGA LIVE EXPERIENCE


FIRST EAT BULAGA LIVE EXPERIENCE

                Ito na! Matagal na naming plano ni Lea pumunta sa Eat Bulaga kasi nga sobrang na-cucutean ako kay Baby Baste. I wanna see and hug him. Siya talaga ang mas gusto kong makita. So we decided na pumunta sa March 3 kasi birthday na din ito ni Maine. We’re hoping to watch it live and makita na din si Alden at Maine in person. So ito na, nagpaalam ako sa ate ko nung Sunday kasi siya ang boss ko sa office, “Te, pa-birthday mo na sa akin to. Punta kami ni Lea sa Eat Bulaga sa Thursday.” She answered, “Aww, talaga?” Siya pa ata mas excited. So, it’s a YES! HAPPINESS! ^_^

Then, ito na nung Wednesday habang nasa Jolibee, SLEX kami at nagmimiryienda.

Convo about MaiDen at videos ng surprise party ng fans club ni Maine nung Monday night:
Yek: Eh, bakit hindi ka pumunta (Maine’s surprise party)
Me: Eh hindi ko naman alam eh. Tsaka ang layo noh, QC! South to North.
Yek: Eh yung sa TNT concert nila sa MOA.
Me; Hello, birthday mo kaya yun.
Yek: Bukas na yung punta niyo ni Lea sa Eat Bulaga, hindi ba?
Te Bibs: Oo nga, bukas na yun noh?
Me: Oo, wala ng tulugan.
Yek: Dapat sumasali ka sa mga fans club para napupuntahan mo yung events nila.
Me: Grabe naman yun.
Te Bibs: Oo, Sali ka sa ganun…Paano kapag hindi kayo nakapasok?
Me: Edi sa labas ka? Hindi ka nga naka-pasok di ba.

Edi natawa si ate Bibs.

OK! So, supportive talaga sila….

Nung gabi chat at text na kami ni Lea para sa bukas.

MARCH 3, 2016, EAT BULAGA EXPERINCE!

First time kong maka-experience ng live at first time ko din gawin ito.
MARCH 3, 2016, Time checked, 2:15am! ALIS NA NG BAHAY!
Time checked, 2:30am - nasa tricycle na ako.




Habang palabas nang bahay at bubuksan na yung gate….at the back of my mind, I was thinking, “Ang ingay ng gate….ano ba ito para naman akong tatakas at maglalayas ng bahay feeling… HAHAHA! Dahan-dahan, ang ingay ng gate eh.”

Paano ba naman, first time kong umalis ng bahay plus commute ng SUPER DUPER AGA! HELLO, 2:30AM, may duty ba ako sa hospital tapos ang taas pa ng buwan.

Habang nasa jeep ako, “Ano to? Joyride? Parang gusto ko pumunta ng Calatagan, Batangas….HAHAHA! BEACH NA ITO!!! Focus, focus, QC tayo, hindi tayo magbeach, hihihi. Sa March 19, na lang.”

Ok going back…. Ito na. 7/11 na ako. Time checked:  2:39am





Ok, kinontak ko na sila Lea para makaalis na kami. Habang hinihintay ko sila nag-early breakfast snack muna ako. Time checked: 2:44am



Nasa bus na kami! Time checked:  3:28am…

Grabe yung bus na sinakyan namin para kaming nasa rollercoaster o kabayo? Hahahaha! Sobrang bilis! Grabe makapang-gitgit si manong driver ng mga kotse, adik lang eh. Tapos habang nasa bus kami, nung biyahe eh napansin ko yung first lane eh priority ang buntis, may kapansanan o senior citizen para sa upuan pero may dalwang lalaki na nakaupo dun. Hello? Pilipino nga naman talaga. Sa ibang bansa eh bawal umupo.







Anyways, going back. Ito na, nasa Quezon City na kami. EAT BULAGA NA KAMI! Time checked:  4:35am


Pagdating namin nakita namin yung pila, ang haba! Sabi nila meron pang naka-pila sa loob. So naghintay kami. Bumili muna ng taho. Pampalipas gutom. May napansin ako habang naghihintay kami. Yung matandang mag-asawa na nagtitinda ng snacks at kape. Nakakalungkot lang isipin kasi dapat inaalagaan na lang sila ng mga anak nila. At the back of my mind, “Kawawa naman sila. Wala ba silang anak para mag-alaga sakanila. Dapat nasa bahay lang sila kaysa yung nagtitinda sila sa daan baka kung ano pa mangyari sakanila.”








Ok, dumating si manong guard na naglalagay ng number sa amin. 142 ako, 143 si Lea, 144 si Liezel.
Time checked: 5:46am






Sabi ni manong madami daw ang tao. Depende na lang kung makapasok kami. So kami naki-chika sa mga kasunod namin sa pila. Kwent-kwento sa mga experience nila. Meron dun, mag-mommy eh lahat ng event napuntahan nila. So ayun, habang naghihintay kami naglaro muna kami ni Lea ng UNO cards sa sobrang board namin.

Ito na nakapasok na kami sa building PERO mahaba pa din yung pila. Time checked:  8:10am…








We were expecting na makapasok kami ng live pero ang dami kaya hoping kami. Then after eh, puno na. So, may shoot daw ng hapon 3pm. May chance kami makanuod, sa shooting na lang for today’s EB, Friday. So hintay kami. Itong si manong guard sabi niya, yung mga “MAY NUMBER LANG” ang matatakan para makapasok maliban sa mga “NAGPA-RESERVE”. So, naghintay kami. Ayun, nung dumating yung nag-tatak. Syempre pila. Nagbilang na, “Oh, 100 lang muna. Yung may number lang.” Dahil nabawasan na yung mga tao kasi nakapasok na yung iba. So pumila kami. Pagkatapos akong ma-stamp biglang nag-stop kay Lea at umalis si manong stamp, “Oh, ayan na 100 na.” We were like, “HUH? PAANO NAGING 100 YUN EH KASAMA KAMI SA BILANG?” Tapos napansin namin binigyan niya ng stamp yung “MGA SUMINGIT”….So naghintay kami kasi pinapila ulit yung mga walk-in na wala pang stamp na kasama din namin. So habang naghihintay, 2:30pm na… KAKAIN PALANG KAMI NG LUNCH!







Pinapila na din malapit sa hagdan yung mga may stamp na reserve at walk-in. Napansin namin na “ANG DAMING SUMINGIT NA GRUPO” sa pila. Yes, mga grupo na wala talaga sa reservation list na biglang nagsi-datingan ng 3pm. Kasi imagine mo, iilan lang ang nakita kong nasa listahan ni manong tapos biglang dumami ng sobra. HIMALA KA! Hindi sa nagmamagaling ako pero grabe naman yung mga naghintay ng more than 10hrs sa pila. Yung iba eh nakatulog na sa pagod kahihintay tapos sobrang init pa dahil sa dami ng tao plus sobrang aga nilang pumunta. Sila yung mga nagtiyaga tapos sabay may mga “SISINGIT” lang sa pila. RESPETO NAMAN UY! Ang sabi pa eh, “FIRST COME FIRST SERVE” kaso iba ang nangyari “PRIORITY ANG MGA GRUPO-GRUPO” Para bang pinaglalaruan kami at pinaasa na lang. 









Mahirap magtiis, umasa, at maghintay pero nabigo parang pag-ibig. Nagtiis para kayanin ang paghihirap at umasang may mangyayaring maganda. Sa tagal ng hinintay ay nabigo din dahil siya'y iniwan lamang at pinabayaan ng tuluyan. Napakasakit sa isang tao na tratuhin ka na para balewalain lang. Paano na lamang kung ikaw ang tumayo sa kinatatayuan niya? Matutuwa ka ba na ganun ang ipinaramdam niya sa iyo? Umasa ka na magiging maayos ang lahat pero sa huli ay bigo ka pa din dahil sa inakala mong wala lang iyon. GRABE SIYA! RESPETO NAMAN! So ayun nga, si Lea hindi siya nakapasok kahit ang sinabi sa mga walk-in ay pumila ulit na simula madaling araw naghintay ay pinaasa lang. Ang sabi sakanila eh BABALIKAN DAW SILA PARA MATATAKAN PERO HINDI NA SILA BINALIKAN. Paano nangyari? KASI MAY MGA SUMINGIT TALAGA. PLUS! Walang tamang sistema pagdating sa pila. So, ayun. Wala kaming choice at hindi na nakapasok si Lea. Kaya naghintay na lang siya sa hagdan.









So, ito na. Nung papasok na sa taas. Iniwan ko yung dala ko sa baggage counter. Nauna si Liezel sa loob. So ako pagpasok ko ay nagsisimula na sila. Nakita ko si Baste nasa screen na. Edi madali na ako.

Pagpasok ko, puno na… “Hala, saan ako uupo? Wala na atang upuan.”
Pinicturan ko muna si Baste at nag-video. “Aww, ang cute-cute ni Baste.”
















After ng part ng kay Baste ay pinalipat kaming nasa gilid sa harap. “WHAT? SA HARAP AKO UUPO?!” Ok na sana eh kung kasama ko din si Lea at kumpleto kaming nakapasok.






While watching..at the back of my mind, I was saying...
"OO NGA! Kamukha nga ni papa si bossing Vic! Parang pinapanood ko lang si papa, hahaha! 







Every after shoot ay nagpapa-picture sila Pia G., Alden, Ryan A. at Ms. Ruby sa fans. May mga nagpapicture kay Steven Gonyo dun sa mga nakaupo sa side ko. So ako, nagpapicture na din ako. Syempre in a nice way. Kumbaga eh remembrance na din. Wala si Maine kasi nasa barangay siya at sa Kalyserye shoot lang siya kasi nung Sugod Bahay shoot ay JoWaPao na lang nandun sa scene. So it means maaga siyang pinauwi kasi birthday naman niya. It’s her time to celebrate her birthday with family and close friends. Si Baste nung dumaan nahawakan ko yung kamay pero siyempre pagod na yung bata kaya hindi na siya nagpa-picture. Wala na siyang energy eh kahit sa mga mata palang niya eh kailangan na niya magpahinga. So, ayun na. Nung dumaan si Alden sa side namin. Nagpapicture na din ako.











BE NICE TO THEM FOR A PICTURE yun ang pinaka-magandang reminder sa lahat.





Kung nung Dec. 14, 2015 ay napanaginipan ko lang si @aldenrichards02 ngayon masasabi ko, na ang panaginip pala ay nangyayari din sa totoong buhay in a positive and good dreams naman.

Syempre, nakakahiya naman na makisiksik sa kaniya at first time ko lang siya makita ng personal plus closer look. Kahit na magka-edad lang kami ni Alden eh, may konting awkward pa din. Kaya all I did eh slight na tapik lang sa balikat niya at sabi ko, "Alden papicture naman." Then he looked and smiled. Yung masiksik ka pa nga lang sa pila eh nasasaktan ka na, yung damugin ka pa ng tao mas matindi. So yung malumanay lang. Nagpapapicture naman siya eh so be nice din in return. Tao din sila. Nasasaktan din sila, may feelings sila. Kaya patience din sakanila yung pagkadumog sakanila ng mga tao. May iba kasi sobra sa excitement. Yung tipong todo sa pagtakbo na may yakap.

I was saying na, be nice naman base on my observation kapag nagpapapicture sila sa kaniya o kahit sa ibang artista kapag wild na yung dating. Sobrang mabubugbog yung tao. Just saying. Iba kasi yung nakikita lang sa tv base sa nakikita mo sa personal.

Isa na ito sa magandang gift sakin ngayon birthday ko. Advance gift para sa March 21! 😊


Base sa pagkatapik ko sa balikat niya eh full muscle nga siya. Kumbaga firm siya. Hindi siya yung muscle na may taba-taba pa. Eh, nahawakan ko din yung braso niya, talagang ma-muscle siya. So, I realize na kaya pala minsan eh gigil na gigil si Maine sa mga braso niya. Plus, KINILIG AKO AFTER! HAHAHA! Walang halong biro! Totoo! Kasi naman ang kinis ng mukha niya talaga, yung mga mata niya ang sarap titigan at yung dimple eh PLUS FACTOR TALAGA! Hahaha! Hanggang dun lang. Kinilig lang ako pero chinito pa din ang type ko, hahaha. So ngayon alam ko na yung feeling kapag ganun ka-gwapo talaga ang bubungad sa iyo, medyo maiilang ka kasi ang awkward, unless na lang kung boyfriend mo na o asawa mo yun. Kaya pala, minsan medyo ilang si Maine kapag grabe makatitig si Alden sa kaniya, hahaha. Makahanap nga ng kasing gwapo ni Alden tapos maganda din ang pangangatawan dahil sa diet at exercise. I can say na mabait nga siya. Nung tapos na yung shoot eh bumalik pa siya sa labas at nagpapicture sa iba bago umalis.

So, now I know kung bakit ganun na lang ang pagka-fandom ng iba na talagang susundan sila kung ano man ang event nila.

So, bago kami umuwi eh talagang pinilit kong ipasok si Lea after the shoot para naman makita niya yung loob. Siyempre naghintay din siya at well planned ito na dapat kumpleto kami. Magkatext kami habang shoot kasi worried din ako sa kaniya. Pumasok na lang siya sa loob at nagpicture-picture na din as remembrance. Then after nun ay dinner na kami.
Time checked: 7:22pm


































Sobrang nagutom kami dun noh. Sa init at pagod ba naman sa paghihintay pati gitgitan ng mga tao sa pila, eh talagang mapapagod ka. Ayan, pumunta kami ng Eastwood para na din sa Walk of Fame. Hinanap namin yung pangalan ng JoWaPao pati kay Main at Alden. Literally, talagang todo lakad kami sa pagbabasa ng mga pangalan. Then finally nakita namin yung name nila na malapit sa waffle shop kahit na hindi yun yung pinaka-gitna ng Walk of Fame eh yun na, atleast pangalan pa din nila yun tsaka gutom na kami noh. Ayoko ng libutin ang buong Eastwood. Hello, first time kong puntahan yun plus taga-South kami parang Alabang lang din naman siya. For remembrance purpose lang siya then dinner na.
Time checked: 8:09pm












After a very tiring day for us, we decided to satisfy our day with this heavenly taste and satisfying food! Hot-Star Large Fried Chicken! Honestly, I forgot my half chicken fillet last night. Sabi ko pa naman, magugustuhan nila ate yung chicken barbecue. KASO naiwan ko sa c.r. after, sa sobrang pagod at antok na. I forgot the chicken. So sabi ko, baka hnd pa nagdinner si ate (yung janitor sa c.r.) so sana kinain nya na lang, sayang naman kung itapon pa. So ganun na lang, positive thinking na lang. Ganun talaga, pagod na eh. Nag-taxi na kami pauwi kasi pagod na talaga kami at para diretso na yung biyahe.
Time checked: 9:50pm



Finally, I’M HOME! Sulit ang biyahe at pagod nung nakapasok kami. Next time eh sana kumpleto na plus meet and greet kanila Alden at Maine.
Time checked: 11:00pm





Here’s my list na mga changes na dapat magawa sa Eat Bulaga Broadway. Hindi sa pagmamagaling pero base sa observation ko para naman magkaroon ng maayos na sistema at pagbabago. Dun lang naman sa set-up ng pila ang dapat ayusin kasi yung sa loob ng stage eh sobrang maayos naman ang set-up nila. Yung doon lang sa pag-assist ng bisita sa broadway ang kailangan.
1)     C.R. – Kailangan talaga dun eh dagdagan kahit isa pang-c.r. at linisin araw-araw. Plus, yung supply ng tubig. Lima na nga lang yung cubicle tapos sira pa yung 3. So 2 na lang siya. Imagine mo, araw-araw may darating na 500 persons tapos magtiya-tiyaga ka din sa pila at amoy kapag nag-cr ka. Kailangan ayusin na at dagdagan din.
2)     FOOD – kailangan mong magdala ng pagkain kapag ganun. Yung carbohydrates at tubig para habang mahaba ang pila ay makakain ka at hindi ka agad mahilo pati magutom. Siyempre, tubig din lalo na at sobrang init dahil sa dami din ng tao. Pwede naman kasi iwan sa baggage counter. For sure, ubos mo na yung baon mo kapag papasok ka na sa loob. Unless, kung nagpa-reserve ka. Diretso ka na talaga sa taas.
3)     TIME – Agahan mo! Yung iba ay hindi na umuuwi kasi galing pa sila sa province.
4)     SISTEMA SA PILA – Ito sobrang kailangan baguhin. SOBRANG KAILANGAN AYUSIN.
a.     GUARD - Imagine mo, 5 ang guard sa hagdan sa taas pero 1 lang ang guard na nag-aassist sa 200-300 na tao sa pila sa baba! Kung minsan eh, binabalewala lang at parang pinaglalaruan lang kami.
b.     LIST OF RESERVATION – Kung ano yung nasa list yun lang, hindi yung porket na madami sila sa grupo eh bigla na lang isisingit sa mga naka-reserve. RESPETO NAMAN UY!
c.     LINE-UP – Kailangan dito lagyan ng tali eh. Yung katulad sa mga SM na nilalagay na tali para sa pila. Una eh, sobrang dami ng tao. So para maayos ang pagkaka-pila eh dapat talagang lagyan ng tali para madesignate kung saan pila ka talaga.
d.     NUMBER SIGNS – Ito ang pinaka-isa sa mahalaga. Yung sign nila ng WALK-IN at RESERVED eh lagyan nila ng numbers na (1-100), (101-200), etc. para makita kung gaano talaga kadami yung tao.
e.     NUMBER TAG/TICKET – Imagine mo, 5:46am kami sinulatan ni manong guard ng number gamit ang pentel pen niya. “PENTEL PEN” ah… so may tendency na mangdaya sa sulat o mabura ang sulat sa kamay lalo na kung pawisin yung tao. So mas better kung may ticket sila kasi dati eh wrist tag meron sila, ngayon wala na. Edi para mas tipid ay ticket kahit logo lang ng EB plus yung number. So walang singit na magaganap at maayos ang pila sa paghihintay. RESPETO NAMAN SA MGA NAGHINTAY SIMULA MADALING ARAW (YUNG IBA NUNG GABI PA AT DI NA UMUWI) AT PUMUNTA NG SOBRANG AGA NA GALING PA SA MAS MALAYONG LUGAR.
f.      TALI SA HAGDANAN – Dapat lagyan ng tali dun sa may hagdanan para naka-indicate yung daanan ng mga staff sa daanan ng guest. So walang siksikan magaganap at tulakan.




REMINDER: ITO AY PARA LANG MAGKAROON NG MAAYOS NA SISTEMA SA PILA AT PARA NA DIN ITO SA SAFETY NG BAWAT ISA. May tendency na yung iba ay himatayin or something na may mangyaring gulo sa pila. AND HONESTLY SPEAKING, NA-DISAPPOINT KAMI DUN SA GUARD NA NAGSULAT SAMIN AT SA NAG-STAMP SAMIN. Kasi si manong guard eh kung saan-saan kami pinapila. Pabalik-balik kami dun sa una namin pila. Pangalawa, dun sa nag-stamp, may “attitude” si Manong. Bigla-bigla nalang kaming nilalayasan. Hindi porke’t walk-in kami eh ganun na lang siya sa mga tao. Plus, mas “mabait siya sa mga grupo-grupo kahit na wala sa list”. Nagagawa niyang makipag-biruan at tawanan sakanila. Doon kami sobrang nabadtrip. The way these two men treated us as a guest walk-in and people with us. Everything was so good na “SANA” but our experiences of these two men wasn’t. If you’re the one who experienced it eh baka kumuha ka na ng punching bag sa inis. IT WASN’T A JOKE. OUR EXPERIENCE WASN’T A JOKE. Imagine, almost 11hrs kaming naghintay bago kami makapag-lunch ng maayos dahil sa sinabi ni MANONG GUARD na “MAG-STAMP ULIT MAMAYA PARA SA 3PM SHOOT”. So we patiently waiting sa line. Ayun pala, eh may ibang kababalaghang nangyayari sa pila sa harap. Then, I insist na bumili na ng food sa canteen para lang sa LATE LUNCH namin tatlo. WHAT THEY DID EH PARA LANG KAMING NAGHINTAY SA WALA. UMASA KAMI AT YUNG MGA KASAMA NI LEA SA PILA. BINALEWALA SILA. Mas mabuti pa yung sinabi na lang nila yung totoo na hindi na sila makakapasok kaysa yung bigla na lang silang iniwan sa ere na parang wala lang. SO DISAPPOINTING sa ginawa NILANG DALAWA. Katulad nga ng kasabihan, “Kung gusto mong respetuhin ka ng tao, respetuhin mo din sila.” Sabihin na natin na napapagod sila, ang tanong. Mapapagod ba sila kung gagawin nila ng tama at nasa ayos ang lahat? Mas less hassle nga yun eh. Yung gawin sa tamang proseso o sistema ang isang bagay hindi yung nakukuntento na lang sa pang-araw-araw na ganun ang nangyayari. Konting pagbabago naman at ayusin ang sistema nila. Higit sa lahat ay yung “attitude” nung guard at yung nag-stamp. Kung ganun yung experience namin eh paano na lang yung iba din na ganun din ang naranasan nila. Yung mga nababasa kong blog about experiences nila sa Eat Bulaga eh puro mga nakapagpa-reserve. Sobrang OK sila kasi parang VIP ang dating dahil may kakilala. So paano naman yung mga nagtiis, nagutom, nakipagsiksikan, nagtiyagang gumising ng maaga, at higit sa lahat ay napagod? Ganito ang experience namin at sa mga kasama namin. So, pantay-pantay lang din dapat. I'M NOT AGAINST SA EAT BULAGA. Dun lang naman kami na “BEASTMODE” sa GUARD at sa MANONG na NAG-STAMP. MAGULO YUNG DALAWA KAUSAP. TRY MO MUNA PUMUNTA PARA MAEXPERIENCE MO BAGO KA MAGCOMMENT. IF HINDI MO PA NA EXPERIENCE MAG-EB NG WALK-IN, WAG KA NG MAGSALITA. HIGIT SA LAHAT WALA KA NAMAN SA SCENE PARA MAEXPERIENCE MO YUNG PANGYAYARI.