Friday, July 15, 2016

Imagine You and Me



Imagine You and Me



"That's what travelling is all about. You learn, make memories, eat, pray and love." - Jamae 


Hahaha, epekto ng pagnuod ng Eat, Pray, Love by Julia Roberts bago makanuod ng Imagine You and Me.

Ok, this is it. Napanuod ko na. Here's what I was thinking about the movie. 

Everything is nice. The place/ambience, story line, script, movie production and the actors. 

Yun na... Joke! Seriously, ahm, its nice. Maganda yung story kasi kakaiba siya sa ibang Pinoy love story na napanuod ko. Ito na ata ang isa sa nagustuhan kong Pinoy movie kasi kadalasan na gusto ka ay mga 90's movies like Jolina-Marvin movies, Sharon C. movies, Regine V. movies, etc. Kadalasan mga nagustuhan kong storyline ay mga nakaraan pa. Ngayon lang ako ulit nakapanuod ng Pinoy movie na masasabi kong uulit-ulitin ko. Yung kasama na siya sa list ng "All-Time Favorite Movies" ko. 

Most likely, kapag nanunuod ako, dun ako sa story mas nag-aabang bago yung lugar/ambience, actors, etc. Dun kasi makikita kung mas magiging interesado akong panuodin siya hanggang sa matapos. Yes! Honestly,  may mga movies akong napanuod na hanggang kalahati lang siya or 1/4 palang ay hindi ko na siya tatapusin kasi boring na para sakin.

So, ito na nga. Maganda yung storyline ng movie. Yung feeling na parang A Walk To Remember or mala-Nicholas Sparks ang dating ng movie. Yung mas lalo kang maeengganyo manood kasi mas masasabik kang matapos siya. Ganun yung feeling then masasabi mo sa huli na, "Ang ganda ng movie. Ang sarap sa pakiramdam." 

Everything is nice. First part palang eh tinamaan na ako. I mean, dun sa first part super relate, haha! Pero siyempre, dun sa Italy moments wala pa naman. Baka na-delay lang din sa customs yung love-life ko, haha! Well, may mga ganun talaga. Kapag alam mo ng hindi kayo meant to be, nag-travel lang din siya para magkatagpo kayo, hahaha! Masubukan nga baka nasa ibang bansa lang siya, haha! Ganun talaga, habang nag-travel, iba-iba ang adventures. Sa bawat adventure na yun baka sakaling dumating din siya, hahaha! Let's see. 

Okay, going back. Syempre, given na yung place. Italy, very romantic talaga ng lugar na yan pero kapag kasama mo ang taong mahal mo sa kahit saan parte pa ng mundo, ang mahalaga ay yung memories na meron kayo at yung mga masasayang adventures na nabuo. Yun pa din ang mas masaya sa pakiramdam. 

Speaking of Alden and Maine, syiempre yung chemistry nandun pero yung closeness nila eh iba na. I mean, compare sa first movie nila. Ito, eh mas malalim. May understanding na kumbaga kasi yung ilangan eh wala na. Kumbaga mas natural ng tignan. Wala ng naka-ipit. 

Si Maine, more acting workshop pa pagdating sa drama. She's good pero kapag nasanay na siya eh mala-Regine na din ang acting niya or any good Filipino actors na din. Ok naman siya eh, more on comedy pa din talaga siya unlike Alden kasi sanay na si Alden sa drama. Kapag nagkataon eh mas may balance na yung acting ni Maine. I mean, mas mailalabas pa niya yung galing niya sa acting.

So, everything is nice about the movie. Lalo na yung place kasi very calming siya. Sobrang sarap tumambay sa ganun lugar. Waley eh, Manila Bay lang malapit dito, hahaha! Hanggang sunset ng Manila Bay lang ang gusto kong pagmasdan lagi. Bonus na dun yung fireworks sa Mall of Asia, hahaha. So ayun na nga, "Thumbs up"... Maganda yung movie. Hopefully, soon na Pinoy movie eh ganito din kaganda. Yung babalik-balikan mo kasi ang sarap sa feeling. Ang sarap sa feeling ng nagmahal ka pero mamahalin ka din pabalik. Echos! Hahaha! Yung ngiting tagos sa bone marrow! ☺️

Napansin ko, hindi pinatugtog sa pinaka-ending yung theme song nila na Imagine You and Me kasi kadalasan kapag ending ganun. Yung buong kanta ng theme song ang pinapatugtog. Ok lang, atleast maganda pa din yung ending. Yung inaabangan talaga ng karamihan. 😊

Last thing:

Yung scene nila sa IYAM, itong pic ko with Alden ang naalala ko, hehe. 😁