Lakbay Nakaraan sa
Bataan
Balikan
ang nakaraan sa Bataan. Maliban sa Fort Santiago at Vigan, ito ang isa sa
magandang puntahan kung gusto mong balikan ang dating Maynila. Kay sarap balikan
ang ganda ng Maynila noon at pakiramdam mo ay nasa isa kang pelikula ni Rizal
na pinagmamasdan mo ang paligid. Kay sarap makita ang sarili mo na para kang
naglalakbay sa nakaraan. Naiisip mo kung gaano kaganda ang Maynila noon at para
kang nagpunta sa Spain dahil sa mga disenyo ng paligid na may halong Pilipinas.
Iba talaga ang Pilipinas dahil sa dami ng sumakop sa ating bansa lalo na ang
mga Espanyol, may mga naiwan silang kultura sa atin na ginagamit pa din natin
hanggang ngayon. Kay sarap puntahan ang iba’-t-ibang lugar ng Pilipinas katulad
nitong Bataan lalo na kung gusto mong maranasan ang pakiramdam na nagpunta ka
sa panahon ni Rizal. Ang problema ay unti-unti ng napapabayaan ang likas na
kagandahan ng ating bansa katulad na lamang sa likas na yaman ng ating sariling
kultura. Katulad na lamang ng ating pag-aaral ng sarili nating lenggwahe dahil
mas pinapangahalagahan ng maraming eskwelahan ngayon ang Ingles. Kung minsan
kahit Tagalog ay hindi na kayang bigkasin ng mga bata ngayon at mas alam nila
ang Ingles kaysa sa sariling atin. Nakakalungkot isipin dahil kahit mismo ang
ating gobyerno at mga eskwelahan ay hindi na binibigyan ng halaga ito. Dapat
mas binibigyan pansin din ang pagbibigay halaga sa atin kultura at mas
pinagtitibayin ito upang maibahagi din ito sa mga susunod na henerasyon.
Katulad na lamang ng ginagawa ng bansang South Korea, Japan, at marami pang
ibang bansa na ipinapakita nila ang halaga ng sariling kultura ng kanilang
bansa at inaalagaan nila ito upang maibahagi din ito sa iba. Sa aking
paglilibot napansin ko na kung sakaling binigyan ng halaga ng ating gobyerno
ang kultura natin at walang corruption
maaaring mas maganda at malinis ang Pilipinas ngayon. Maaaring mas madaming
turista ang pumupunta sa ating bansa at higit sa lahat ay isa sa mayamang bansa
ang Pilipinas. Kay ganda ng ating bansa ngunit hindi lamang nabigyan ng halaga
at naingatan.
More photos:
https://www.facebook.com/jamaelukbanphotography/
https://www.facebook.com/media/set/?set=a.488742864644740.1073742029.262627053922990&type=3
No comments:
Post a Comment