What If
Madalas itong mangyari sa mga bagay na pilit mong itinatanong kung bakit kailangan mangyari ang isang bagay kahit na meron ka naman magagawa para may magbago.
Paano na lang kung itong tanong ay para sa taong naging espesyal sa buhay mo? Yung taong, minsan hindi mo inisip na maaaring mawala sa buhay mo.
Yung mga salitang laging gumugulo sa isipan mo na pilit mong paulit-ulit na iniisip at hinahanap ang kasagutan.
What if kung nung minsan hinanap niya ako ay pwede ko siyang mapuntahan ay hindi siya naghanap ng iba?
What if kung nung mga oras na nararamadaman kong may mali ay dapat kinausap ko siya agad?
What if kung nung una palang ay gumawa na ako ng hakbang para walang nagbago sa kaniya at hindi siya napunta sa masama?
What if kung nung minsan sinabi niya sa akin na gusto niya akong makasama dahil nalulungkot siya maaaring ngayon ay walang nagbago?
What if kung hindi ka nagbago, may chance na
kasing gwapo mo na din ngayon si Ryan Reynolds? Alam mo kung bakit? Kasi sa
kahit anong anggulo ng mukha niya, masaya man o galit, ikaw pa din ang nakikita
ko kasi may pagkahawig kayo lalo na yung figure ng mukha. Kung minsan kapag
natulala na lang ako sa wallpaper ko, iniisip ko na lang na ikaw na lang sana
ang kasama ko sa picture katulad ng picture namin ni Alden.
Maaaring ngayon ay ikaw pa din ang lagi kong
kasama sa mga camps na napupuntahan ko lalo na yung madalas natin gawin.
Yung kasamang gagala sa labas katulad ng ginawa
natin sa Tagaytay.
Ikaw pa din ang kasama ko buong araw at gabi na
kausap at kakulitan.
Ikaw pa din ang kasama kong mag-almusal kasi
magtatampo ka kapag hindi kita ginising.
Ikaw pa din ang kasama ko sa pagpuyat at
pinagmamasdan ang mga bituin sa ulap.
Ikaw pa din ang kasama kong kumain ng noodles at
uminom ng kape.
Yan ang madalas natin gawin sa mga camp na halos
hindi na tayo mapag-hiwalay. Todo gala at kulitan.
Kung minsan naiisip ko yung mga panahon alam mong hindi kita
kayang puntahan ng basta-basta dahil malayo tayo sa isa’t-isa para damayan ka
tuwing kailangan mo ng kasama, makakausap at higit sa lahat ay tuwing sinasabi
mo na sana nandiyan ako sa tabi mo. Nung mga
panahon na yun ay wala akong nagawa dahil nasa magkabilang lugar tayo at
mahirap magtugma ang mga oras natin para magkausap.
What if kung nangyari na lamang ito sa panahon
ngayon ay sa lahat ng pagkakataon na pwede tayong magkita ay ginawa ko para
lang maramdaman mo na lagi akong nandito para sa iyo?
What if kung alam mo lang na masakit din para sa akin na nagbago ka kahit alam mo ang dahilan?
What if kung nung una palang ay alam mong handa akong saluhin ka kapag kailangan mo ng karamay?
Gaano man kadami ang mga nangyari, hindi naman magbabago na naging espesyal ka sa buhay ko.
Gaano man kalaki ang pinagbago mo ay hindi ka mawawala sa mga panalangin ko.
Kahit na parang imposible ang isang bagay para sa akin walang imposible na maaaring maibalik ang nakaraan kung saan doon kita nakilala kasi patuloy pa din akong magtitiwala sa Diyos at lagi kitang isasama sa mga panalangin ko.
Hindi man ikaw yung taong makakasama ko habang buhay kahit sa simpleng maibalik lang yung kung ano ka dati at kung ano ang meron tayo noon, masaya na ako para sa iyo.

Masaya akong masagot ang isa sa mga matagal ko ng ipinapanalangin para sa iyo. Masaya ako na makikita kitang nagbago ka dahil yun ang tama at dapat. Masaya akong magbabago ka para sa ikabubuti mo at para na din sa magandang kinabukasan mo. Yun na yung isa sa magandang mababalitaan ko tungkol sa iyo kapag nangyari yung mga yun. Isa na ako sa pinaka-masaya para sa iyo kapag yung matagal ko ng panalangin para sa iyo ay sinagot na ng Diyos. Kapag nangyari yun, hopefully ay continuous na din yung good changes na yun.
Hindi
man kita nakakasama ngayon, ang mahalaga pa din sa akin ay okey ka kahit na
“Everything Has Changed by Ed Sheeran and Taylor Swift” ang dating ng theme
song natin ngayon. Darating din yung time na may answers na sa mga tanong na
yun. Malalaman ko yung purpose nun. Kagaya nga ng kasabihan, “Everything has a
purpose.” So, I’m just here always praying for you and waiting for the answer.
No comments:
Post a Comment